Ang pakikita-kita part 1

217 10 22
                                    

(Erth Miuri)

Pumunta sa isang site na tanging mga morphers lang ang nakaka-alam? Ano bang ibigsabihin noong alien na ‘yon?

Alam ko namang hindi ako naniniwala ng “malaki” sa mga alien pero heto ako ngayon sa harap ng pc sa school library isini-seach ang website na sinabi sa akin. At akalain mo, ganito ang lumabas.

Hello Morpher.

Isa ka sa napili ko. Nasa iyo ang desisyon ngayon kung ano ang gusto mong i-morph.

Animal                  Anime

Pinindot ko yung nakablue na Animal tapos biglang nawala lahat. Nagkulay black ang screen. Hala? Anong nangyari?

“Kamusta Sky?” agad akong napabaling sa kanan ko at naroon ang alien na nakita ko sa hospital grounds. Ano ba talaga kasi ang mga nangyayari?

“Ah, Hello.”sabi ko na lang.

Kinuha nya ang kamay ko at pinisil ang pulsuhan ko. Wala naman akong naramdamang sakit sa halip ay naramdaman kong malakas ako. Para akong isang malakas na chita, mabilis at kayang gawin ang lahat.

“Pumunta ka sa Perez Park doon ko ipapaliwanag ang lahat. Sa April 30, 9 am.” Wala akong nagawa kundi ang tumango.

Masyadong magulo ang lahat ng ito para sa akin pero sa paagkakataong ito alam kong tamang sundin ko ang sinabi ng alien na iyon.

Twenty nineth of april nagpunta ako sa bayan kung nasaan ang Perez park at humanap ako ng matutuluyan. Swerte ko naman kasi maraming Motel dito. Motel is Motor hotel yan ang natutunan ko sa mga librong nababasa ko.

Masyadong maingay sa lugar na ito pero hindi kasing ingay sa bayan namin. Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Hindi ko alam kung dahil sa excitement na magkakaroon ako ng kapangyarihan o dahil sa sigurado akong maraming morphers sa park na iyon.

Kinabukasan, agad na akong naligo at nagpunta sa sinasabing park. Naghintay ako ng ilang munuto total maagap pa naman 8:36 pa nga lang e. Sobrang excited ko naman.

“Excuse me, pwede ko bang Makita ang braso mo?” sabi ng isang babae na pula ang buhok payat at pula din ang mga labi at mata. Parang nakita ko na sya sa kung saan pero hindi ko lang matandaan. Ipinakita ko ang mga braso ko total naka long sleeves ako itinaas ko sya. Hindi pa man ako natatapos sa pagtaas ng mangas nagtatalon na sya sa tuwa. “Isa kang morpher. Hihihi.” Pabulong lang iyon pero agad na may lumapit na pito pa sa akin. Dalawang lalaki na yung isa ay rainbow ang buhok at yung isa naman kala mo siga kung umasta. Yung limang babae naman ay may mga kakaibang itsura, yung isa blue ang buhok yungisa naman itim pero nakasalamin,tapos yung isa pa na mukhang bata pa with doll eyes pero halatang contact lense ay itim dinang buhok. Yung dalawang natira pula at brown ang buhok. Lahat sila may pagkakakilanlan sa appearance pa lang. Kakaiba sila.

“ah,   okay paano mo nalaman at sino sila?” tiningnan ko yung mga tao sa likuran nya.

“Mga morphers din sila tulad natin.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nya. Naka drugs ba ‘to. “Ako nga pala si Rath Soulth Loure Lopez. Call me Red na lang. hihihi, halata naman sa buhok at mata ko diba?” parang bata. Kainis. Hindi ako sanay makitungo sa mga bata.

“Ako nga pala si Jaira.” Iniabot noong babaeng nakasalamin ang kamay nya para makipagkilala. Hindi pa ako nagsasalita may sumunod agad sa kanya.

“Yuki Me Namoto. Yuki na lang.” sabi noong babaeng na pula ang buhok. “Ah, sya si Yoshitoki Makoto T. Matsuo. Isang Wolf. Makoto na lang itawag mo sa kanya.” Pakilala pa nya sa lalaki na mukhang siga.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon