Boy's Adventure (part 1)

28 3 2
                                        

*sigh* Sa totoo lang po wala na akong balak gawin to pero dahil last day na, I'll do my best.

Ganbatte ruu-chan! 

So, this part of the story is for the boys. Let's start with Makoto when he goes to the woods somewhere in America.

--------------------------------------

Yoshitoki Makoto T. Matsuo.

Ako ay isang werewolf. Nito ko na lang din nalaman na tunay akong wolf sa anime world. Nakakapagtaka man dahil siguradong-sigurado ako na purong tao ang mga magulang ko noong kunin sila ng mga alien noong bata pa ako. Ginawa ko ang lahat para matakasan ang mga aliens na yun hanggang sa makarating ako sa teritoryo ng mga wolves at sa hindi malamang dahilan, ginawa nila akong kaisa nila.

Dahil ba yun sa werewolf talaga ako. Dahil kaya yun sa dugong dumadaloy sa akin kaya nila ako hinayaang mabuhay at hinayaang magsanay kasama nila. Dahil ba yun sa dugo ko o dahil napamahal na rin ako sa kanila? Alin man doon, nagpapasalamat na rin ako. Kung hindi dahil sa kanila namatay na sana ako. Wala na sanang Yoshitoki Makoto T. Matsuo. Pero lingid sa kaalaman nyong lahat, hindi talaga iyon ang pangalan ko. Hindi talaga pangalan namin ang sinasabi namin sa bawat isa at alam kong alam nila ang personal na sekretong iyon. At bawat isa sa amin iginagalang ang ganoong disisyon.

Hindi na naming inaalam pa ang ayaw namang ipaalam at malaki na ang tiwala namin sa isa't-isa para pagduhan pa ang aming mga kaibigan. Alam nyo yung pakiramdam na napakapayapa lang? Na kahit nakikipaglaban ka na sa karamihan, sa kabuktutan, sa kasamaan naroon pa rin ang kapayapan. Ganoon ang pakiramdam ko kapag kasama ko sila kaya naman ipinagpapasalamat ko iyon sa lumikha.

Kaya heto ako ngayon sa bahay ng ate ni Azumi hindi sa Seol kundi sa Amerika. Gusto ko sanang magpunta dito bilang asawa ni Azumi pero hindi na mangyayari ang bagay na iyon. The faith decided. I'm not the one. I need to sacrifice everything even my soul for others. I just hope that He will grant me my only wish. And that is to be reincarnated to a new me. A new me that will have a happily ever after.

"Hi," sabi ng lalaking blond ang buhok at sa may paa lang nya ay ang isang batang mukhang kakatayo pa lang.

"uhhmm, Is Mack Sachiki here?" tinaasan nya ako ng kilay. Seloso ata itong lalaking ito at may puwang sya sa buhay ng kapatid ni Azumi. Kinarga nya ang bata para siguro sabihing may anak na sila. Nakalimutan ko. Sya nga siguro yun. "Are you Fai. Mack's husband and Azumi's..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang may lumabas na babae na maikli ang buhok at tuwang-tuwang isinigaw ang pangalan ni Azumi.

"AZUMI!!! Nasan sya! Ang kapatid ko!!" agad syang tumingin sa likod ko na parang may hinahanap at ng hindi nya makita si Azumi tumingin sya sa akin.

"ah.. ano... Nasa bahay ng kaibigan namin si Azumi. Hindi na namin sila pinayagang magpalipat-lipat pa ng lugar dahil..." I was cut off again.

"Bakit! Anong nangyari sa kanya? Naputulan ba sya ng paa?!! Napahamak ba sya??!!! WHhhhaaaa.. FAI yung kapatid ko!! huhuhu" At bigla na lang sya humagulhol. Natawa lang naman yung baby nila. Ang cute  lang.

"Hindi ganoon. Huwag kayong mag-jump into conclusion. Okay lang si Azumi kaso, may plus one sya." Nagtaka sila doon.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon