Master ng Crocodile. Teka? sino si LYLLIA?

149 7 13
                                        

Ang magandang mga Ahas! Crocodile!

Dedicated sa kanya kasi sya ang gumawa ng favorite yaoi story namin ni Hiroshi(Zeferin) si ONOMA-SAMA. Pahiram pong muli sa kanila ha. Hehehe.. sana po di kayo magalit sa tawag ko sa kanila. hehehe

Watch Lyllia's character song on the right.

(Lyllia Syshuel)

“Lya lyu byuu tee bya, maya lyu bof.”

Nagising ako sa ala-alang iyon. Hindi ko akalaing mapapanaginipan ko pa iyon ngayong kasama ko na ang mga morphers.

<eto ba talaga ang gusto mong gawin ko ate.> sabi ko sa isipan ko. Hindi ko akalaing magkakaganito ako. Isa akong anime character. Hindi nila dapat ako nakikita pero si Rune. Si Rune. Kung hindi nya ginawa ang bagay na iyon, hindi ako mapupunta dito. Hindi ko na sana makikita pang muli si Rath at hindi mauugkat ang pagkamatay nilang lahat.

Hinawakan ko ang kaliwa kong dibdib kung nasaan ang puso ko. “Ang sakit.” Gusto ko ng mamatay. Gusto ko ng tumigil ang tibok ng puso ko.

“ayos lang kaya sya?” narinig kong bulong ni Yuki. Hindi man halata malakas ang pandinig ko pero mahina ang paningin ko.

“Pabayaan na muna natin.” Ang pamangkin ko iyon. Si Shynne. Nakakatuwa na makikita ko sya. Hindi ko alam kung kilala nya na ako pero sya na lang ang dahilan ko para mabuhay.

“Sigurado ba kayong ayos lang sya?” medyo malayo na sila ng itanong iyon ni Yuki.

“May gumugulo lang sa isip nya.” Si Azumi. Nakakabasa nga pala sya ng iniisip.

Rune, kung mamamatay ba ako ngayon, papayagan mo ba ako na makasama ka kung nasaan ka man?

Hindi siguro.

Tumayo na ako sa kama. Bahay nga pala ito ni Sky. Kababalik lang nila galing Ice land. Ang tagal din nilang nawala. Ang kasama ko lang dito ay ang mga maid at butlers ng pamilya ni Sky.

Hindi ko alam ang tawag doon sa pinuntahan nila pero nasa loob lang iyon ng malaking shoe mart sa tapat ng mansyon nya na pagmamay-ari ng lolo ni Sachii Sy.

Nakipagkita ako sa mga kaibigan ko dito. Lahat ng naging kaibigan ko mula ng mawala ang ATLANTIS ay kung hindi TBOOM, POGAY ay bading na sexy. At isa doon sina Eiji at Buknoy. Mag-asawa na yang dalawang yan kung susumahin ang mga napagdaanan nila. Kasal na lang ang kulang.

Napangiti ako ng maalala ko ang babaeng Rune na nagpanggap na lalaki para lang makuha ang loob ng mga gay couples na sina Taki at Clause pati na sina Ranmaru at Al Valentino. Naalala ko noong nakarating sila sa bahay namin dahil sa nakita ni Keh si Rune at magkamukha talaga sila. Para silang sina Tamahome at Taka ng fushigi yuugi.

Mabalik ako kina Eiji at Buknoy. Naiingit ako doon sa dalawa kasi nagawa ni Eiji na magsakripisyo ng maraming beses para kay Buknoy. Nakakaiingit, at the same time, nakakainspire. Kung nagawa ko lang sana iyon kay Rune e di sana kasama ko syang naglalakbay sa buong mundo.

May makilala din kaya akong bagong Buknoy sa buhay ko? Magkaroon man, hindi nya mapapatayan si Rune. Siya ang nauna at hahanap-hanapin ko sya. Para syang isang droga na kinaadikan ko na. Ang mahaba nyang gintong buhok na sinadya nyang ipaputol para sa akin. Namimis na kita Rune.

“Lya-Lyu Blyu Tee-Bya Rune-sama.” Lumapit ako sa bintana matapos kong sabihin iyon pinagmasdan ko ang dagat ng MOA. Hindi maalis sa isip ko na sa dagat nya ako dinala para ipakilala sa mga magulang nya. Para mailigtas ko ang reynang natutulog.

Bago pa ako mabaliw sa kaiisip dito, dinala ko ang gitara ko at nagpunta ako sa park. May malapit naman sigurong park dito e. Kung magmukha akong pulubi doon sa kakakanta, wala na akong pake alam. Kakantahin ko ang kinanta sa akin ni Rune ng matapos na ang digmaan.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon