A talk to forget

77 6 1
                                        

A talk to forget.

 

 

 

Meron kang dalawang piso, kailangan mo itong ibili ng makakain mo. Tapos may nakita kang isang batang lalaki na hindi naman nagugutom pero matalim ang tingin. Lumapit ka dito at tinanong “Gusto mo ba ng pera” hindi ka sinagot noong lalaki pero kita mong sa kamay mo sya nakatingin at mukhang may rason sya kung bakit nakatingin sya sa dala mong dalawang piso.

 

 

Ibibigay mo ba ito o pagdaramutan mo sya?

“Ano ba namang klaseng katangahan yang ikwinikwento mo ha Seiji?” tanong ni Marcus. Wala na silang magawa at nanatili na lang sa loob ng sasakyan. Ang mga bata naman ay patuloy sa paglalaro ng habulan sa labas pero hindi nila napansin na wala doon si Andrago.

“Simple lang ang sagot dyan, yung piso ibigay mo sa kanya tapos sayo yung isa.” Sagot ni JM sa kanila.

“Mali!~” sagot ni Seiji sa kanya.

“Kung ganoon anu pala?”agad na wika ni Khoros na halatang tinatamad na.

Tumingin muna sya sa lahat bago sabihin ang kasagutan.

“Tsk. Tsk. Tsk. Huwag mong bibigyan di mo naman kilala e, tumakbo ka na lang.” Sabinito na umiling iling pa.

Nainis yung iba sa sagot nya kaya pinagtatamba sya ng unan.

“Garapal ka! Akala ko may moral lesson sa sinabi mo!” sigaw ni Sachi at naghagis pa ng isang unan kay Seiji.

“Toinks. Parang yun lang napikon na kayo. Babaw.” Sabi ni Seiji at pumunta sa control room. Natihimik naman yung naiwan at nasipang matulog na lang.

Andrago’s POV

Hindi ko akalaing makikita ko sya rito ang babaeng hindi ko talaga gugustuhing makita. Si Viseru.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon