71 Maalala Mo Sana (Silent Sanctuary)
Unti-unting bumabalik ang mga ala-ala. Masakit palang balikan ang masayang ala-ala lalo pa’t nag-effort ka para dito. Narito kami ngayon sa isang barko papuntang isla kung nasaan ang mga Kankuru at Thirdy sa panahon namin. Kailangan na daw namin silang makilala ngayon. Yan ang sabi noong dalawa.
Mataas ang sikat ng araw at ang mga kasamahan ko nag-eenjoy sa pagtatmpisaw sa pool ng cruiseship na ito. Samatalang ako nakatayo malapit sa dulo ng barko. Parang si Jack sa Titanic. Sa kasamaang palad lang, wala akong Rose.
Hawak ko ang isang bote ng beer. Nakasandal ang mga braso ko sa railings na bakal ng barko. Pinagmamasdan ang walang katapusang dagat. Maiinit ang araw pero hindi ako napapaso. Parang manhid na ako sa kaka-isip ng mga naitagong ala-ala.
Uminom ako sa bote ng beer at muling bumalik sa pagtingin sa walang katapusang dagat.
“Parang ang lalim ng iniisip natin ah.” Ginawa rin ni Lyllia ang itsura ko ngayon. “May bumabagabag ba sa’yo Makoto?” nagaalalang tanong nya. Nakita nya siguro kung gaano kamugto ang mga mata ko sa kaka-iyak.
“Tss.. hahahahha.. wala ano!” sabi ko pero iba ang lumabas sa mga mata ko. Tumulo ang luha ko pero itinago ko iyon sa paglagok sa beer na hawak ko. Pero sino bang niloloko ko? Si Lyllia itong kasama ko ngayon at wala akong maitatago sa kanya. Sya ang naging pinakamabuting kaibigan at mapagsasabihan mo ng deepest secret mo kapag sobra ka ng nabibigatan sa mga pasanin mo.
Sya ang nag-iisang parang magulang sa amin. Sya ang nakakaintindi sa aming childish minds and she makes us what we are. To act at our age. Sya ang inspirasyon namin. Si Erth ang leader, si Red ang co-leader. Si Jaira finacer, si Keiko ang protector. Si Shynne ang light, si Yuki ang ice breaker. Si Hiro, sya ang nagsisilbing clown namin. Si Misa sya ang boses ng lahat. Hindi man sya madalas marinig pero kapag sya na ang nagsalita nakikinig ang lahat. Malaki ang tiwala nya sa mga kasamahan nya yan si Misa. And syempre si Azumi. Si Azu ang babaeng pinaka mamahal ko. Siya ang utak ng lahat. Mahal na mahal ko pa rin sya.
Hindi ko napansin na humahagulhol na pala ako dito. And with the kind hearted Lyllia, nilagyan nya ng sound proof shield ang paligid namin. Busy naman silang lahat kaya hindi nila nakita na ginawa iyon ni Lyllia.
“Makoto.” Ramdam sa boses nya ang pakikisimpatya sa puso ko.
“May alam ka ba tungkol sa nangyari sa amin ni Azu?” tiningnan ko si Lyllia at kita kong meron nga syang nalalaman.
“Meron. Pero hindi ko alam kung anong pangalan noong lalaki. Basta ang alam ko lang matagal na nyang kakilala yung lalaki noong nasa Seoul pa lang sya.” Ganoon pa rin ang boses nya at nagpapasalamat ako kasi dinadamayan nya ako sa sakit na nararamdaman ko.
“Lagot ka! Sinabi mo kasi sa akin ang sekreto nya. *Sniff*” Pinunsan ko ang sipon ko at medyo natawa ako sa kalokohan kong iyon.
“Eehh?” nagulat na sabi nya
“Hahaha.. alam ko namang kapag sinabihan ka ng sekreto hindi mo kakayaning itsimis sa iba. Mapagkakatiwalaan ka Lyllia, di mo lang siguro alam.” Muli kong ibinalik ang pagmamasid ko sa malawak na karagatan at may mga dolphine na tumatalon ngayon.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Science FictionI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...
