(Tohka Yatogami “MISA”)
Ako nga pala si Ehem, bawal nga pala baka mahuli kami ng mga Viru pero kilala ako dito bilang Misa. Kainis nga kasi dapat ang pangalan ko ay Kotori Itsuka tapog ginawa naman akong Tohka Yatogami. Okay lang naman kasi kasalanan ko naman talaga ang gulo ko kasi noong napi-fill up ng form ayan tuloy. Pero kahit na, Misa na lang ang tinawag nila sa akin para mas madali. Misa sa Death Note yun. Di naman ako Blond red pa nga buhok ko e. Kainis alam nyo bang hindi yan kasama sa iniligay ko sa appearance. Kainis naman kasi si Ricco masyadong magulo e dapat wlang makaka-alam sa sekretong ito kaya ayun nagmadali ako sa pagpi-fill up. ( T-T )
Well, masyado ng magulo ang araw na ito para sa aming lahat gabi na din ngayon masyadong mabilis ang oras tapos nakita ko pa kung gaano kalakas si Red. Grabe ha. Salamat na lang talaga at kaya kong mawala sa lugar na iyon bago pa ako matamaan ng heat detector fire balls ni Red. Umpisa pa lang alam ko na ang kayang gawin ng kapangyarihan nya. Gusto ko lang makita ng personal. Bieng an alien is complicated. Lalo na sa aming half alien. Nasabi ko na noong umpisa na orphan ako at totoo yun. Alien ang magulang ko pero ang ama ko ay tao. Galing no? Pero kahit na ipaliwanag ko kung paano hindi ko rin kaya. Hello alien baby pa lang ako ng dalahin ako sa orphanage. Kay Ruru ko na lang nalaman na isa pala akong alien at kaya kong magteleport.
Well, part of science nanaman. Ang bawat moleculessa katawan ko ay kayang maghiwa-hiwalay at sumama sa hangin kaya naman hindi madetect ng kapangyarihan ni Red ang init ko. At ginawa kong malayo ako sa kanila dahil sa oras na maging malapit ang molecules ko sa apoy nya sasama ito dito dahil kaisa nga ako ng hangin atang hangin ay kailangan din sa paggawang apoy. So ayun, lumayas muna ako sa place habang hindi sila natatapos. Hehehe.. Tuso na kung tuso ayokong mamatay ng maaga ano. Hmff.
Teka, pinsan ko nga pala si Azumi. Malayong kamag-anak ni papa at yes, si Ruru din ang nagsabi nyan sa akin. Hehehe.
So, Moving on. Narito kami ngayon nakatunganga sa mga slimes at dalawang morphers na naglalaban. Akala ng mga Viru mga Simpleng hayop lamang sila pero akala lang din naming iyon ng bigla silang sinugod ng lahat na available na Viru sa buong area. May alam kaya sila tungkol sa mga morphers?
“Oh hindi, sabi nga pala ni Ruru alam na ni Viseru na kayang maging hayop ng unang morphers. Kaya ba biglaan na lang nilang sinugod yung dalawa.” Kahit itong si Yuki nagawang itago ang mga nalalaman nya dahil baka nga naman marinig ng mga Viru yun. Pero engot din sinabi nya ang pangalan ni Viseru. Buti nalang busy yung mga alien. Hindi ko naman matulungan ang mga animal morpher dahil ang nagagawa lang ng alien powers ko ay ang tumakas sa gulo.
Saktong dumating sina Red at Keiko. Halata sa mukha nila na naguguluhan sila sa nangyayari pati na rin sa sirang pader ng ospital. Di ko alam ang pinaguusapan nila. Naguguluhan na rin naman ako. Pati kung anong sinabi ko nalimutan ko ng sandaling hinikit ako ni Red at pinahawak sa screen ng tv. Nagbigay sya ng instructions pero walang pumapasok sa utak ko pero ang katawan ko alam ang gagawin kaya naman nagmorph ako.
Naramdaman kong dimadaloy sa katawan ko ang katauhan ni Kotori. Kilalang-kilala ko sya bawat parte ng katawan nya. Pero may problema kung paano sya makipag-laban. Napapanood ko sya pero sa trailer lang at sa mga music video. Patay ako pag nagkataon.
Tiwala lang.
Isa akong Anime Morpher.
Kaya ko ‘to!
Naramdaman kong unang nagbago ang kulay ng buhok ko dahil doon ako nagconcentrait. Ang pulang-pula kong buhok ay medyo nagdark pink. Konting pagkalight lang katulad ng kay Kotori. Kaunod ay ang puti kong balat. Ramdam kong unti-unti akong tumatangkad at nawawasak ang balat ko at nagiging panibagong balat. Kakaiba at malakas. Tapos kusang gumalaw ang mga kamay ko at tinanggal ang mga damit ko maliban sa panloob ko. Buti na lang at agad tinakpan ni Yuki ang mata ni Hiroshi kung hindi namatay na ako sa kahihiyan. Doon ko na rin naramdaman ang aking puting kimono. May kakaiba itong print sa may parting dibdib na sumisimbolo din kay Kotori. Brown yun na may linya na gold.Meron ding malambot na tela na pumapaligid sa akin sa braso ko papunata sa likod. Kung dito ito sa Pilipinas baka tsaleko ang tawag dito pero puti ito at maiksi parang sa presesa lang kapag giniginaw sila. Sumunod ay ang parting buhok ko ulit nagkaroon ng dalawang singay sa tagiliran ng ulo ko. Sa taas ng tainga naisisilbing pang-ipit ito ng buhok ko at may tela itong itim na nagsisilbing ribbon. Kasabay noon ay ang kaparehas na kulay na napunta sa leeg ko bilang kwintas. Ang weird pero ganoon talaga e. Huli ay ang mga mata ko. Naging kakulay ito ng buhok ko at naging malisik din ito.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Science FictionI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...
