(Keiko Yoshikuni)
Whhhhaaa... Bakasyon na. Makapunta nga sa mall para magshopping. Wala na rin kasi akong maisuot sa bahay na ito.
Lumabas ako ng silid ko na puno ng mga poster ng anime at mga manga. Lumapit muna ako sa mga ito bago tuluyang lumabas.
"Alis muna ako, Happy, Kero-chan. Alagaan nyo ang kayamanan ko ha. mwah." Hinalikan ko ang pisngi nf
G mga anime stuff toys saka tumingin ako sa salamin. Nakita ko ang isang mgandang babae. Brunnete na buhok hanggang baywang. 5'0 ang taas. Nakasuot ng puting sunday dress. May maliliit na bulaklak na nakaimprenta dito.
Maputi ang balat ko at bumagay dito ang asul kong mata. Para talaga akong amerikano sa ganitong itsura kaya naman kinuha ko ang contacts ko. Kulay itim ito kaya naman bagay na sya sa mata ko ngayon.
Don't get me wrong. I love my eyes. I love it more than anything. But, I can't walk outside with it. Masyadong delekado.
Delekado dahil wala na akong mga magulang. Tanging si Khoros na lang ang nag-aalaga sa akin. Twenty- four lang s'ya pero nakaya na nyang mabuhay mag-isa. Pinagkatiwalaan sya ng mga magulang ko. Kaya pinagkakatiwalaan ko rin s'ya.
Hindi ko alam kung bakit pinatay ang mga magulang ko. Tinanong ko iyon kay Khoros pero ayaw n'yang sabihin sa akin. Sabi lang n'ya kaaway daw nina papa ang mga pumatay. At tungkol iyon sa trabaho. Ewan ko rin hanggang ngayon kung ano ba ang trabahong sinasabi ni Khoros. Basta kapag kinakailangan ko ng pera binibigyan n'ya ako.
Pumunta ako sa lagayan ng aking mga sapatos. Dinaanan ko ang mga kulay dilaw, asul, pink,at red hanggang sa marating ko ang section ng white.
hmmm.. Alin kay sa mga ito ang isusuot ko ngayong araw?
Mayroon kasi akong tatlong pinamimilian. Isang sandalyas na may pa-ekis papuntang itaas hanggang sa binti ko. Isang pointed hills na may dyamante sa bubung ng sapatos na ito at isang simpleng sandalyas na sipit sya kung tawagin. Bigay lang ito ng kaibigan ko.
Hindi na ako nag-dalwang isip pa at pinili ko 'yong binigay ng kaibigan ko.
Kamusta na kaya si Rath? Halimaw na yun. Ginaya talaga si Rath my love ng dragon knights. Naalala ko tuloy si Rune isang water dragonknight. Mukha talaga s'yang babae ang haba ng buhok nya pero si Rath pa rin ang mahal ko. 'Yung nasa manga na Rath higit sa kaibigan ko.
Kung hindi ako nagkakamali, si Khoros ang nagpakilala sa akin ng anime at manga. Ang cool talaga ni Khoros. Kung pwede lang maging kami e.. ehehehe.. (>.<) iiiiiii.. KInikilig aketch.
Wew, ano ba yan. Natatagalan na ako dito sa loob kanina pa ako inaantay sa baba. Wala namang naghihintay pero nagugutom na ako. Naamoy ko na rin ang nilutong ham and egg burger ni Khoros. Kami lang dalawa ni Khoros dito sa bahay. Mukha nga kaming mag-asawa pero bata para doon kaya hindi pwede. Isa pa hindi ako pinapansin ng magaling na si Khoros sa larangan ng pag-ibig.
"Lady Keiko, mabuti naman at naisipan mong iwanan panandalian ang iyong dream land." gamit nanaman nya ang boses na iyon. Kainis sya. His making me angry!!
Ay teka, sa Hulk yun ah. (O_O) (>.<) YOKO!!!!
"Ewan ko sa'yo Khoros. Sinabi ko na sa iyo na huwag mo akong tawaging ganyan." Nakangiti syang umiling. Problema nanaman nitong si Khoros? tsss.. =______=
Inilapag na nya sa mesa ang pagkain ko. Tama nga ang hinala ko. Ham and Egg burger. Bilisan akong umupo at pinaglawayan ang pagkain sa harap ko.
Hindi naman literal na tumulo yung laway ko ha. Pero kung anime to kumikinang talaga ang mga mata ko. hehehe...
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Ficção CientíficaI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...
