66 Kankuru
“Kamusta ka na Arthur baby?! *Smirk*”
“ARTHUR??” Sabay-sabay naming nasabi maliban sa mga bata.
Sino ba ang babaeng manghuhula na ito at bakit Arthur ang tawag nya kay Andrago? Kakampi ba sya ng hinayupak na Andrago na ito na syang may misyon upang patayin kami!
Papatayin kami ni Andrago after one year! At ang nakakainis pa hindi ko pa naiipanganak si Blazing Fire noon!!
Pak that sheet of flywood!
--------------
Kakuru’s PoV
Hindi ko maintidihan ang mga tao. Masyado silang magugulo sa mga panahong ito. Wala silang control lalo na sa pag-ibig. Sige pwede na rin para naman magkaroon na kami ng apo. Mehehehe~
Ako nga pala si Kannessva K. Uruzman, kilala rin bilang Kankuru. Madalas ang tawag sa akin ay Kankuru. Trip ko lang, at yun din naman ang gusto nilang itawag sa akin. May pagka-bipolar ako, minsan masaya tapos biglang magiging malungkot tapos mananapak at matutulog. Mga ganoong bagay. Isang tao lang ang nakapagpabago sa ugali kong yan pero hindi ko sya ipapakilala sa inyo.
Ano kayo sinuswerte? Ligawan nyo pa yun e ipagpalit pa ako kahit na may anak kami.
Mabalik na nga tayo sa kanila. Matanda ang pinaka matanda sa kanila ay matanda sa akin ng sampong taon.(W/R: Lyllia: 24?- 10= 14) Sa panahong ito. Naalala ko noon nagfill up din ako ng form sa isang site at nagulat na lang akong biglang may dumating na Darna este kamukha ni Angel Locsin! Grabe ang gondoh nyoh!! (*o*) pero noong magsalita sya nagulat ako dahil hindi tao ang boses na iyon. Parang isang garasgas na boses na kinakalembang na bakal sa kapwa bakal tapos parang tatlong tao ang nagsasalita ng sabay-sabay. Inayos na rin nya ang boses nya ng mahalatang medyo natakot ako.
Sinabi nya sa akin na mas makakabuti daw na manatili ako sa silid ko para mamatyagan ko ang bayan namin. Maliit lang ito pero sapat na para sa pagroronda ko. Ang lugar na ito ay pinuntahan noong nagpakilala sa akin bilang Ruru noong mga isang taon thirteen pa lang ako noon. Mayo ata ang bwan noon.
Tandang tanda ko pa ng sabihin nyang narito ang kalaban naming si Viseru pero sa kasamaang palad masyadong malayo ang mga nakita nyang may potensyal sa pagiging isang morpher dito sa lugar namin kaya naman kaming dalawa ang lumaban sa kanila.
(W/N: Kung natatandaan nyo ito yung time na nagpaalam si Ruru at ako mismo, si Rune Saito ang nakausap nyo tungkol sa fill up ng forms at mga kasunod pang pangyayari noon.)
Nakita ko kung paano sya lumaban. Napakabilis nyang magmorph. Para syang isang warewolf sa napapanuod ko sa True Blood at sa Twilight. Pero naroon pa ring ang mga tunog ng buto at mindlink na ginagawa nya sa akin kapag nakapagmorph na ako.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Science FictionI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...