Hiroshi Mayamoto
Maybe you're wondering. Why do they need to go? Why do the boys need to go somewhere and they didn't have the girls with them?
Napagkasunduan namin na gawin ito. Para na rin sa kaligtasan ng mga babaeng minamahal namin. Sound's funny but this is all the truth.
Let's make a flash back. When we are with Kankuru and Thirdy.
Natutulog na ang mga girls noong magising kaming lahat dahil kina Kankuru at Thirdy. Dahan-dahan nila kaming shini- shake para magising kami. Napakusot pa ako ng mata ng magising ako at nakita ko ang ginagawa nilang paggising sa mga kasamahan ko.
"Anong nangyayari?" tanong ko na wala pa sa sarili. Kalahating tulog, kalahating gising nakasuot lang ako ng white tshirt at shorts dahil ito ang nakasanayan kong pantulog.
"shhhsss! wag kang maingay!" baling naman sa akin ni Ricco na syang nagpagising sa akin.
Tumayo na lang ako at sumunod kina Makoto, Andrago, at Khoros na syang mga gising na at naglalakad palabas ng room kung saan kami natulog. Tiningnan ko yung mga ginigising pa at kita kong ang tagal magising nina Seiji at Sachi kasunod ko lang naman si JM at Ricco. Di ko naman makita si Marcus hanggang sa makarating kami sa elevator at doon na sa lobby sa baba ng hotel ko nakita si Marcus, nagkakape.
"Yo, ang tagal nyo naman." bati nya sa amin sabay-sabay naman kami na bumati na halos inaatok pa rin.
"yyooo~"
"Ngayong andito na tayong lahat, mabuti pang simulan na natin." Maangas na sabi ni Thirdy na syang nagpataas ng kilay ko at nagpaayos ng upo nina Seiji at Sachi, nagpacross arms kay Andrago at nagpapamulsa kay Makoto. Nagbasa na lang naman ng libro si JM at umiinom pa rin ng kape si Marcus habang bumibili naman sa vendo machine si Ricco.
"Dre, sabihin mo na lang wag ka ng pabitin." sabi ni Ricco na halatang wala ng balak pahabain pa ang usapang ito.
"Sige." huminto sandali si Thirdy tapos may inilagay sa lamesa sa harapan ni Marcus na syang nagpa-curious sa amin at agad naming nilapitan.
Isa iyong bond paper.
Pero biglang nagkaroon ng mga nakasulat doon. Parang magic lang pero nahalata kong isa na naman itong likha galing sa future dahil sa kinatatayuan ko, nadoble ang papel, transparent lang pero nakalutang ang mga nakasulat.
"Totoo yan?" tanong ni Makoto at tumingin sya kay Andrago.
"Ewan ko. Hindi ko alam na nangyari yan." sagot naman ni Andrago na syang nagpalayo sa kanya ng kaunti. Masyadong pribado kasi yung nakasulat at mukhang nainis dun si Makoto kaya napaatras si Andrago.
Tungkol iyon sa kalagayan ni Azumi. Nakalagay na hindi si Makoto ang ama ni Ramaru Adel pero hindi na lang namin iyon pinansin. Dahil ayaw na ring pansinin ni Makoto ang nakalagay sa papel.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Ficção CientíficaI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...