(Rath Soulth Loure RED Lopez)
“Ako si... uhm, Andrago(Andreygoh) na lang ang itawag nyo sa akin.”
Yes. Isang lalaki yung malaking butiki. At mali si Shynne dun sa pag-aakalang babae sya. Nahihiya tuloy yung kaloka-like ni Makoto.
Okay, medyo magkamukha sila ha, perodahil nga epal itong magaling na asawa ni Rune, pinahawakan nya kami isa-isa kay Andrey. Andrey na lang hirap banggitin nung Andrago. Masyadong nakakatakot, e mahiyain naman ang loko. Tss.. naalala ko nanaman tuloy yung kasing laki ng bata na iyon. Kainis sya, kapag talaga nakabalik ako sa amin hindi ko lang sya iuuntog sa puno isasalpak ko pa sya sa bato. Kung makapang-Prank akala mo naman task ni Kuya sa PBB. ASAR!
Inalis ko na sa isipan ko yung mokong at nagconcentrait ako kay Andrey. Nag-iba ang itsura nya. Naisip siguro ng magaling na si Lyllia na naisip lang ni Andrey yung mukha ni Makoto dahil sya ang nakapagmorph kanina. Tss, sus, sige na ikaw na ang magaling. Sana naman may natutunan sya kahit papa-ano.
“Kamusta kung ganyan. Sa pagkakatanda ko, sa una mong buhay ganyan ang itsura mo. Kontong human gene lang ang kailangan mo at balik ka na sa dati. Mala Alexander Ludwig ang mukha mo. Hehehe.. siguro matatandaan ka nung Terra kapag nagkita kayo.” Wow. Wow talaga. Laki ng ngiti ni buntis. Parang hindi nabalian ng buto kanina sa laban. Tss.. anak nga pala sya ng magaling na si Kosuke. Isang Warrior na madaling makapagregenerate ng katawan. Plus isa pa syang healer. Tsk. Sige na payag na. Wala ng kwenta ang apoy ko dito. Tingin ko maging si Shanna man ako ngayon may pantapat nanaman sa akin ang babaeng yan. Ako pa rin si Rath at si Rath walang ibang gusto kundi mang hunt ang demon, this time, Yeekers na ang kalaban namin. Mga Viru na.
“K-Kilala mo si T-Terra?” mautal-utal na sabi ni Andrey. Medyo nasapul sya dun ah. May gf na pala ‘tong si Alexander Ludwig e. Sayang. Hehehe..
“Nakita ko sya sa iyo at nakita ko rin na isa ka unang gumawa ng Artifact. May bond kayo ng artifacts kaya naman nagpunta ka rin sa Museum noong araw na iyon. Sa kasamaang palad. Nakuha iyon ni Terra at sya at si Sharinna ay nagkaisa.” Hindi naming maintindihana ang sinasabi ni Lyllia, mukhang sila lang ang nagkakaintindihan.
“G-Ganoon na nga. Pero tama ba na pag-usapan natin ito sa harap nila?” tanong ni Andrey. Wala pa talaga syang pinagkakatiwalaan sa amin.
“Mind Link.” Hinawakan ni Lyllia ang sintido ni Andey at nagulat na lang ito ng may nakita sya sa kung ano mang ginawa ni Lyllia.
“Naiintindihan ko na.” Sabi ni Andrey at saka tumingin sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay at napayuko naman sya.
Kainis nagiging Sky na ako dito sa sobrang inis ko kay Lyllia!
Kung hindi nya lang talga dinadala ang anak nila ni Rune Sinalbage ko na yan e. >.<
Kung hindi nyo pa alam ang istorya kung paano namin nalaman, hayaan nyo na lang na sya mismo ang magkwento sa inyo hindi naman masekreto yan e. Isa pa pamangkin nya si Shynne. Galing no? Ngayon may mas nakakalamang na sa lahat at dapat sya na ang leader. Sa kasamaang palad, ayaw nya kasi mas gusto nyang si Sky ang magmando. Oh well, I’m not against it naman, Huwag lang talagang eepal ulit yang si Lyllia, hindi ko na talaga yan mapapatawad pa pag nagkataon.
“Guys, asan si Sachii?” tanong ni Yuki. Nagpalit anyo nga pala sya at hindi namin sya kasama kanina pagtaas sa rofftop.
“Nasa safehouse nya. Tumalon sya sa roof ko papunta sa kanya. Huwag kayong mag-alala hindi masaspian yun ng mga Yeekers, sa maniwala kayo o sa hindi demi-god yun. Anak ni Thor sa tao. Kaya nga iba ang kilos at pananalita. Hindi nyo napansin?” si Sky iyon. Mukhang kampante sya.
Napagawi ang tingin ko kay Lyllia.
“Problema mo Buntis?” tiningnan nya ako ng masama. Kung makapag-isip kasi ng malalim, ginawa nanaman yung sinature pose.
Alam nyo yung law of ueki? Ginawa nya yung pose nung babaeng nasa salamin ang kapangyarihan na nakakapagpasunod ng tao.
Ganoon kahalata magisip ng malalim ang babaeng yan. And take note, hindi pa nya yan nalalaman. Hindi pa nya alam na madalas na nyang gawin yan ngayon.
“Inisip ko kasing may nagtiktik na sa atin kay Viseru dahil kilala na nya si Yuki at nagmorph sya bilang si Jaira kanina.” Nagulat kaming lahat maliban kay Jaira at sa walang alam na si Andrey.
“Kasalanan ko iyon. Si Papa, ng malaman nyang isang Andalite din si Viseru, nakipagkaibigan sya dito. Hindi pa rin nagbabago si papa at napaikot sya ni Viseru. Ngayon isa na sya sa mga kontrolado ni Viseru. At dahil nga nakita ni papa ang profile ni Yuki noong nasa isang site tayo nakita rin iyon ni Viseru. Isa rin yun sa dahilan kaya nagkaroon sya ng hackking agents at natuntun nya kung nasaan ako at si Yuki.” Naiiyak na si Jaira.
Kung ganoon ito ang dahilan ng lahat ng kagulahang ito. Kailangan naming makaisip ng paraan.
“May magagawa ako tungkol sa bagay na iyan.” Sabi ni Andrey na ikinagulat naman naming lahat.
Mala naruto nyang ginawang tatlo ang sarili nya. Yung dalawa naging sina Jaira at Yuki.
“Lagyan nyo ng memory nyo ang dalawang yan at siguraduhin nyong walang tungkol sa mga morphers ang ilalagay nyo. Tanging kayo lang dalawa ang nagkakilala. Sila ang magiging Jaira at Yuki sa kani-kanilang lugar at mananatili ang totoong Yuki at Jaira dito. Kailangan na lang bind mo miss guardian.” Paliwanag nya. Angaling ha. Magiging ligtas kami kapag ganito. Pero yung totoo? Si Lyllia nanaman?
“Miss Rath, pwede mo bang iselyo sila gamit ang flame power mo. Para na rin maging ganap silang tao.” Nagulat man ako, ginawa ko ang sinabi nya at ilang saglit pa namulat na ang dalawa at pina-alis na ito ni Andrey.
“Mabuti pa magpahinga na tayo.” Suhesyon ni Shynne.
“Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Lyllia. Wow, nag-oopen na sya. Tss, mga buntis nga naman.
Nagtinginan kaming lahat tapos tumingin sa kanya.
“Kina EIJI!!” sabay-sabay naming sabi.
“ANAK NG!!” nanlaki ang mata nya at tumalikod at napahilamos sa mukha. Imbis na magsorry kami dahil nainis sya, natawa pa kami. “Ano ba naman, patay ako kay papa B nito e!” nang sabihin iyon ni Lyllia, nanahimik na lang sa isang tabi ni Hiroshi. Napagod ata sa kaka-translate. Wawa naman. Tss, infareness okay sya na kina Eiji kami kasi naandun si bogart at isa pa, siguradong pupunta din dun si Mark. Hehehe..
Maudyok nga mga minsan. Hahaha..
--------------------------------------------
Sky, eto ata dahilan e, nagkapailit kayo ni Red ng katauhan? di kaya? XDDD
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Bilim KurguI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...
