Park sa gitna ng Sinuglaw Town

33 1 0
                                    

Sky's PoV 

Matapos dumaong ng barkong sinasakyan namin agad ng humiwalay sa kakulitan namin ang mga bata. Hinanap namin ang bayan sa isla. Ang bayan na sinasabi nilang naging nakaktakot na isla noon. Ang totoo ang isalang ito daw ay may gma nakaktakot na hayop at halaman pero iba na ito ngayon. Hindi ko rin alam kung paano pero basta. Ang hinahanap naming bayan ay ang Sinuglaw. Ang ganda ng name diba? sarap kainin. Pero huwag ka. Marami talagang ganyan dito. At ang sarap ng luto ng mga taga rito. Paano ko nalaman? Simple lang. Ito ang pinag-usapan namin nina Akitchou at Dragon noong nasa barko kami.

Sinabi ni Akitchou sa amin na hindi na gaanong nakakatakot ang isla at kung paano naging nakakatakot ito noon. Nagulat ako sa mga sinabi sa amin ni Akitchou. Labas na dun yung tungkol sa isla subalit hindi pa rin ako mapakali sa mga nalaman ko. Kung tutuusin. Tama lang na ipinaalam sa amin iyon ni Akitchou at hindi kay Lyllia lalo pa't si Lyllia pala talaga ang mama nya. Kahit ang mga bata mismo ay nagulat din dahil sa masyado raw maagap ang pagbubuntis naming mga babae.

Kung tutuusin daw sabi ng hinaharap na ako ay nabuntis ako ni Andrago matapos ang panliligaw nya sa akin sa rooftop ng Academy. Naging masaya daw ang mga nakapaloob na kwento mula noong pumasok kami sa academy kaya naman nagtataka sila, lalo na si Akitchou dahil sa mali ang mga pangyayari ngayon. At nasisigurado nyang dahil ito sa pabalik-balik sa nakaraan ng mga magulang ni Andrago.

"Manong, alam nyo po ba itong Sinuglaw town?" tanong ko sa isang nagtitinda ng isda sa pantalan habang nagpipicture taking ang mga kasamahan ko. Hindi ko na rin gustong alalahanin pa ang mga nangyari sa loob ng barko dahil kung tama si Akitchou, dapat may mamatay sa islang ito.

 "Ah. Yung bayan ba na pinamumunuan ng isang bata? Aba'y kung magtutungo kayo doon ay dapat ninyong ihanda ang sarili nyo sa itsura ng batang iyon dahil kahit na maganda ang lugar, marami namang kababalaghan ang napunta doon. Deretsyohin nyo lang ang malaking daanan na yan at makikita nyo ang bukana ng bayan." dahil sa sinabi ni Manong, napatingin ako kay Andrago. Hinawakan nya naman ang balakang ko para sabihing hindi ko kailangang matakot.

Oo, natatakot ako. Ako yung tipo ng tao na hindi madaling matakot subalit may kung ano sa loob ko na natatakot sa lugar na ito. Sa mismong islang ito. Pakiramdam ko'y nanggaling na ako dito at may karumal-dumal na nangyari. At dahil doon hindi ko kakayaning ipahamak ang mga kasamahan ko.

Agad na kaming nagtungo sa daanan. Laking gulat namin sa nakikita naming malaking daan.

"Niloloko nyo ba ako? Iyan ba talaga ang ang daan papunta doon sa Sinuglaw town o daan yan papuntang FUTURE!!" Exagerated na sabi ni Hiroshi habang kinakain yung Sinuglaw pero sa unang subo pa lang ay agad nya itong isinuka. "Wew!! Di ko gusto yan!! mas masarap pa ang Sushi jan e!" sigaw pa ng mokong.

"Magtigil ka nga! Para kang bakla!!" sigaw naman sa kanya ni Yuki.

"Naman mahal ko..... Ang sarap mo talagang magmahal" sinadyang ibahin ni Hiro yung huling sinabi nya kaya naman natawa kaming lahat.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon