Credits to the author of Bieng an Otaku. Sa kanya ko nakuha yung idea ng bagong version ng sasakyang pangkalawakan.
Salamat po sa lahat. Sana po ay maka Up Date na din kayo. ^_^
~Saito, R.
--------------------------
*Bahay nina Hiroshi*
“Teka nga ibig nyong sabihin sila yung mga tao na nagmula sa isang lumilipad na refrigerator?” Takang tanong ni Marcus habang sinusulyapan nya si Shynne.
Agad namang nakita iyon ni Hiroshi kaya nagbigay sya ng nakakatakot na tingin na tanging lalaki lang ang makakaintindi. Nagtaas naman ng mga kamay si Marcus tanda ng pagsuko at unti-unting lumayo at lumapit sa tapat nina Ricco at JM Naupo sya sa bakanteng sofa na ang katabi ay sina Hiroshi at nasa kanan nito si Sachi. Dito na rin sa mansyon ni Hiro tumutuloy si JM mas gusto nya daw kasing makilala si Red isa pa may kakaiba daw sa amin at nagmumukha kaming mga aso na may pack. Doon nainis sa kanya si Makoto. Deretsyahan kasing magsalita si JM kahit na sya ang pinaka maliit sa kanila. Ganoong pa man si JM ay isa sa pinaka matanda sa mga lalaki kaya naman wala syang takot harapin ang mga ito.
“Ganoon na nga. Bigla na nga lang silang tumakbo papunta doon sa lugar e. Yung parang tinatawag daw sila.” Paliwanang ni Hiroshi. Busing busy din naman yung mga babae sa pagtatanong sa mga bagong bisita kaya naman halos yung mga lalaki lang ulit ang naguusap-usap.
“Akala nga namin nabasted agad kami.” Nahilig si Makoto sa isang cabinet sa living room kung nasaan siya at sinabi nya iyon na nakatingin sa mga babae na ngayon ay dumadaan na sa kanila papuntang kusina.
“Magluluto lang kami nina Shynne, Sky, Red at Misa. Yung apat naman ang magtuturo sa kanila ng silid nila.” Parang excited si Lyllia ng sabihin nya iyon kaya naman pinabayaan na lang sya noong mga lalaki at nagpatuloy sa paguusap-usap. Ang sila na sinasabi ni Lyllia ay mga bata at isang matanda nanagmula sa Flying Refrigerator ng Space and time.
“Ngayong may kakaiba nanaman silang pinagkaka-abalahan, magkakaroon pa kaya kami ng chance para doon sa plano namin?” Saad ni Sachi na kumamot na lang sa ulo.
“Pre, makakahanap din tayo ng chance. Pero teka pareng Hiro, matapos nyong magsayaw at ayain sila anong nangyari?” tanong ni Ricco at napabuntonghininga yung apat.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Fiksi IlmiahI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...
