(Makoto PoV)
---------------------------
Alam kong mali na pabayaan ang insticnt ko sa mga ganitong pagkakataon pero gusto ko lang maging normal na bata habang wala ako sa pack. At isang kamalian ito.
---------------------------
Anong kasalanan ng papa ni Shynne para pagbayaran ang mga kaguluhang iginawad namin?
Nasa isang abandunadong tindahan kami ng candy ngayon. Maganda pa rin ito para sa isang abandunadong tindahan. Glass ang pintuan nito. Hindi kalakihan pero hindi din maliit. Patuloy ang pagluluksa naming lahat. Sugatan si Lyllia sa pagliligtas sa amin. Nawalan ng malay si Yuki dahil sa kapaguaran. Nawala sa amin ang mga bagong morph namin. Uhm, sila lang pala. Nadiskubre namin iyon ni Hiroshi nitong nakaraan. Kasalanan namin kung bakit sila nakarating sila sa bahay ni Sky. Hindi naman siguro kami namukhaan pero alam kong kasalanan namin.
Ikinagulat ko ang sinabi nung alien. At alam kong maski si Hiroshi ay nagulat din doon. Pero sya si Jiro at alam ni Jiro ang tamang sabihin sa ganoong sitwasyon.
Tungkol sa nadiskubre namin. Nasa tinatawag kaming MOA. Maraming mga tao na nagtitipon doon. Hindi nagpapansinan pero marami talaga sila. Naisipan ni Hiroshi na magmorph sa isang anime Online. At naging si Ichigo sya. Napadpad kami sa lugar kung saan sinabi nya na cosplay daw iyon. Nagawa nyang manalo sa contest at nakapanalo sya ng five thousand pesos doon. Maliit daw iyon para sa kanya, syempre mayaman sya e. Pero malaki na yun sa akin. Matapos naming magpunta doon, kulang na isang oras na nakakalipas at kailangan na nyang magmorph pabalik. Pero ayaw umalis ni Ichigo at bigla na lang lumabas si Hiroshi sa katawan ni Ichigo. Parang nanganak na ahas si Ichigo noon at si Hiroshi ang anak. Buti na lang talaga walang maraming tao dito sa pinuntahan namin. May mga salamin sa pader at mga mga maliliit na silid sa loob nito. May mga pintuan na nilalabasan at pinapasukan ng ibang lalaki. Nahimatay si Hiroshi noon at ako naman nakatingin lang kay Ichigo.
“Pakisabi sa batang yan, hindi laruan ang mga anime. Magagawa naming umalis sa katauhan nila kung gugustuhin namin. Ginagawan na lang namin sila ng pabor kaya kung pwede lang huwag silang magmataas sa amin.” Nakapamulsang sabi nya at tuluyan ng umalis sa harapan namin.
Nagawa ko pang sundan si Ichigo habang nasa likuran ko si Hiroshi. Binuhat ko na lamang sya. Nakita ko si Ichigo na pinuntahan ang nakacosplay na Ishida Uryuu. Sinubukan nyang makipag-usap sa natural na siya. Siya naman talaga si Ichigo e, kaya ganoon pa rin sya. Pero ng iwasan sya nung Uryuu parang nainis sya. Nagpalit anyo sya gamit ang isang badge at natumba na lang ang katauha nya. Nakita ko kung paano nya pagtangkaan yung Uryuu pero tumagos ito at unti-unti syang nawala ng malaman nya na hindi sya taga mundo namin.
Sigurado akong sa oras na malaman ng mga character nila kanina na hindi sila pupwede sa mundo namin mawawala din sila.
Patay ang mga ilaw sa lugar na ito at sana hindi kami mahanap dito noong ipinakita ni Yuki ang mga nakikita nya. Nakarinig kaming lahat ng yabag. Pinilit kong palapitin sina Misa sa amin. Dahan-dahan silang lumapit sa amin. Nasa hulihan nila si Jaira na nakabalik na rin sa sarili matapos naming tatlo magmorph dito mismo sa loob ng abandunadong candy shop. Malaki ang problema namin. Kung hindi sana glass door and window ito e di sana kampante kami na hindi makikita. Ganoon pa man nagtatago kami sa pangatlong stall ng mga candy. Mga malalaking lalagyan na squre iyon na maraming goodies. Sa haba noon, natatakpan na hanggang dingding kaya naman nakakapagtago kami ng maayos. Nasa kabilang stall pa si Jaira ng biglang may nalalglag. Nagulat si Jaira at hindi na sya nakagalaw pa. Napahilig na lang sya sa kabilang stall. Pinilit ko syang pakalmahin.
<okay lang yan Jaira walang mangyayaring masama> i mouthed. Pero alam kong maiyak-iyak na si Jaira sa nangyayari ngayon. Hindi namin ito ginusto. Oo nga at malakas kami pero tao pa rin kami at madali kaming matakot lalo pat, wala pa kaming lakas na magmorph. May sakit pa namang magugulatin itong si Jaira. Sa oras na magulat sya mapapasigaw nanaman sya ng ‘OHMO’ at iyon ang dapat naming maiwasan. <huwag kang magugulat kahit na anong marinig mo. Takpan mo ang tenga mo.> sa sandaling ito senenysan ko syang takpan ang taynga nya. Ginawa naman nya ang sinabi ko pero may biglang kumalabog. Itinapon nung kung sino man iyon ang isang bagay malapit sa lugar ni Jaira at napatakip na lang sya sa bibig nya.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Science FictionI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...
