BUOD -

20.6K 605 17
                                    

"Protektahan ang trono ng unang encantada!!" sigaw ng pinuno ng mga kawal at pinalibutan nila ang trono ng pinaka unang encantada upang hindi magiba ng mga kalaban. Alam nila na sa oras na masira at magiba ang trono ay tuluyan ng babagsak ang pamumuno ng unang encantada na si Encantara.

Si Encantara ang pinaka unang nabuhay sa mundo ng Enca Majica sa loob ng limang libong taon. Siya din ang pinakamakapangyarihan na nilalang na nabuhuhay sa kasalukuyan.

Tuluyan ng napasok ng mga navalak ang palasyo ng Enca Majica kung saan naninirahan ang mga di pangkaraniwang nilalang.
Patuloy parin sa pakikipag laban ang mga kawal ng navalak at mga kawal ng Enca Majica
Dumadanak na ang dugo sa paligid at sa loob ng palasyo.

Sa labas ng palasyo naman ay nakikipaglaban din ang mga Hari't Reyna ng iba't ibang kaharian upang protektahan ang palasyo ng pinakaunang encantada.
"Itong sa inyo!!" Sigaw ni Reyna Hara at inikot ang dalawang kamay niya at dahan dahang bumababa sa himpapawid ang sobrang lakas na ipo ipo at nasama sa pag ikot ang mga navalak.

"Ngayon na Lai!!!" Sigaw ni Reyna Hara kay Haring Lai.
Ngumiti ang Hari na si Lai at itinaas ang kanang kamay at nagliwanag ang kanyang palad na kulay-lila. Biglang lumabas ang isang malakas na kulog at kidlat sa langit.

"Tikman niyo 'to!!" Sigaw ng Haring si Lai at malakas na binaba ang kamay at sa pagbaba nito ay siya namang pagtama ng mga kidlat sa ipo ipo na kumitil sa buhay ng maraming navalak.

"Inferno! Ang unang encantada!!" Sigaw ni Reyna Velgara habang nakahawak sa braso niyang dumudugo dahil sa pagtama ng espada ng isang navalak.

Biglang napatingin ang Hari na si Inferno sa dako ng unang encantada na ngayon ay pinagkakaisahan ng limang makapangyarihang navalak.

Biglang nilamon ng apoy ang katawan ni Haring Inferno at naglaho na parang abo na bigla naman lumitaw sa kinaroroonan ng unang encantada.

"Mga lapastangan!!" Sigaw ni Haring Inferno at 'yung itim na mata niya ay naging pula at kung sino man ang kanyang tinitingnan ay nasusunog ang balat.

"Ahhhh!!" Sigaw ng isang navalak at susugurin ang Hari.
Tumingin ang Haring Inferno sa sumusugod sa kanya at iniisip niya na masunog ang buong katawan nito na siya namang nangyari. Ano mang isipin ng Hari sa kanyang kalaban ay mangyayari ito.

"Encantara" nasabi ng Hari at inalalayan ang unang encantada na tumayo.

Malakas at makapangyarihan ang unang encantada ngunit dahil sa pagdadalang maji nito ay hindi siya makalaban ng maayos. Limang libong taon ang hinintay ng unang encantada bago siya magdalang maji.

"Kailangan na nating umalis dito Encantara" sabi ni Haring Inferno habang nakahawak sa kanang kamay ng unang encantada.

Sa di kalayuan ay may isang navalak na ang kapangyarihan ay hindi nakikita ng kahit na sino man. Kung ano man ang kanyang hinahawakan ay hindi din ito nakikita.

Sumugod ito sa kinaroroonan ng unang encantada at itinusok ang kanyang espada sa malaking tiyan nito.

"Kkkyyyaaaaa!!!" Napasigaw ang unang encantada dahil sa sobrang sakit at hapdi na kanyang naramdaman.

"Encantara!!!" Malakas na sigaw ni Haring Inferno at hinahawakan ang katawan ng unang encantada. Kitang kita niyang dumadaloy ang mga dugo sa pagitan ng hita ng sinaunang encantada.

Lumapit sila Reyna Hara at Velgara, maging si Haring Lai ay tumakbo sa kinaroroonan ng unang encantada.

"Encantara" sabay nilang sabi.

"K-Kailangan kong iligtas ang aking a-anak.." nahihirapang sabi ng sinaunang encantada.

Tumayo si Haring Inferno at binunot ang nakatusok na espada sa tiyan ng encantada

ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon