MAJiCA 26 -

6.1K 387 34
                                    

| PARiS |


Dahan-dahan 'kong binubuka ang aking mga mata. Nakahiga ako sa hindi pamilyar na lugar.


"Urrggh.." mahinang ungol ko at napapikit sabay hawak sa ulo ko. Grabe ang sakit ng ulo ko. Para akong nabunggo sa kung saan.


"Paris?" tawag ng pamilya na boses.


Dinilat ko ulit ang aking mga mata at nakita si Gano sa harapan ko.


"G-Gano? A-anong nangyari? Na-nasan ako? Ang s-sakit ng ulo ko" sabay-sabay na tanong ko kay Gano. Grabe ang sakit talaga ng ulo ko!!


"W-Wala kabang naaalala?" naka-kunot noong tanong niya.


Huminga ako ng malalim at inisip ang mga nangyari.


--Flashback--


"Francess! Kailangan nating tulungan si Kirkus!!" hysterical na sabi ko kay Francess dahil kinakabahan ako sa mga nakikita kong nangyayari kay Eros.


Nasa pinaka-dulo pa din kami ng Ilog Yufrates. Kung hindi ako nagkakamali ang pagkakasabi ni Lucia the mermaid na ang lugar na ito ay Aneres.


Tuloy padin si Eros sa pag-ungol at sa pagdaing. Alam kong nahihirapan na siya. Paano pa kaya si Kirkus.


"Kaya mo ba kaming e-teleport dalawa?" tanong ko kay Francess at umiling-iling lang siya bilang sagot. "Kung ganoon, e-summon mo ulit ang mga dragon na nagbabantay sa ilog. Lima naman sila eh, hiramin lang natin ang dalawa sa kanila para maghatid sa atin sa academy." dagdag na sabi ko kay Francess.


Tumango lamang si Francess at nag cross finger na parang nag-pe-pray. Nakapikit ang kanyang dalawang mata; Nagliliwanag ang mushroom head niya at hindi nagtagal ay may nadinig na akong malakas na ungol ng dragon na papunta sa lugar namin. Napakagaling talaga ng kapangyarihan ni Francess. Nakakabilib.


May dalawang dragon ang lumapag sa kinatatayuan namin at agad na akong tumakbo papunta sa isang dragon para sumakay.


"Francess, utusan mo ang dragon na isakay si Eros sa kanya." sabi ko kay Francess at yumakap sa leeg ng sinasakyan kong dragon dahil nagsisimula na itong ipagaspas ang malalaki niyang mga pakpak para makalipad.


"Opo master" sabi ni Francess at tumingin sa isang dragon. Nagliwanag na naman ang kanyang mushroom head tanda nang pag utos niya sa isang dragon.


Nakita kong maingat na kinagat ng dragon si Eros para maisakay niya sa kanyang likod.


Nagsimula na kaming maglakbay papunta sa academy. Malakas ang loob ko na nandoon si Kirkus. Alam kong alam na nila ang pagsugod ng mga navalak sa academy dahil siya ang president ng student council. So mga problema sa school ay siya agad-agad ang unang ma i-inform.


Umungol na naman si Eros sa sakit. Kinakabahan na ako sa kung ano ang nangyayari kay Kirkus. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na mawala siya sa tabi ko. Noong una crush ko lang naman siya talaga! Sino ba namang hindi magka-ka-crush sa kanya. Gwapo, siya at matalino. Idagdag mo nalang 'yung pagiging hunk niya dahil litaw naman talaga ang biceps niya sa braso. Ewan ko kung may abs ba siya pero siguroy meron. Plus prinsipe pa ng isang kaharian. Ano pang hahanapin mo sa isang lalaki? Nasa kanya na lahat at take note, may powers pa ito kaya alam mong maipagtatanggol ka niya sa mga mang-aapi sa iyo. Pero malabong magkagusto ang mayabang na 'yun sa akin at tsaka alam kong hindi pwede dahil nga sa prinsipe siya. Alam kong darating ang araw na siya ay hahalili sa trono ng Haring Inferno at kailangan niya din ng mapapangasawa para magka-anak at sa takdang panahon ang anak niya naman ang hahalili sa kanya so on and forth.

ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon