MAJiCA 5 -

7.5K 419 10
                                    

"Hanggang dito nalang kita maihahatid Paris" sabi ni Enoc nang makababa na kami sa may gilid ng malaking puno.


Nakita kong tinaas niya ang kanyang kanang kamay at ang malaking dragon niya ay unti unting nagiging usok at ang usok na 'yun ay pumapasok sa kanyang palad.


"Maraming salamat sa tulong mo Enoc" nakangiting sabi ko sa kanya.


"Walang ano man. Dretsuhin mo nalang ang daanang iyan at magtanong ka nalang sa mga maji na nandoon" sabi ni Enoc sabay tingin sa kabilang side namin. "Dito kami sa kabila dadaan dahil nandoon ang bahay namin. Mag iingat ka, hanggang sa muli" nakangiting sabi ni Enoc.


Nagulat ako dahil niyakap ako bigla ni Nahamani habang nakatingin sa kuya niya. "adelfo Enoc, maaari ba nating samahan si adelfi?"


"Nako Nahamani, h'wag na. Ayos lang ako" agad na pagtanggi ko sa sinabi niya.


Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Nahamani sa akin. "Sige na adelfo, gusto kong samahan natin si adelfi sa kanyang pupuntahan"


To be honest, hindi ko gets ang sinasabi niyang adelfo o adelfi ba 'yun? Baka akala niyang kami si Adele kaya sinasabi niya 'yan. Lol!


Tumingin ako kay Enoc at napabuntong hininga na lang siya sa kakulitan ng kapatid niya. Actually okay lang naman talaga na hindi nila ako samahan kasi kaya ko naman as long as nandito si Francess sa tabi ko. Pero mas better din na may kasama akong taga dito dahil mas alam nila itong lugar na ito keysa sa amin ni Francess na first timer dito sa Enca Majica.


"Oo na sige na" sabi ni Enoc sa kapatid niya.


Humiwalay si Nahamani sa pagyakap sa akin at nakangiting hinawakan ang aking kamay at hinila ako para lumakad. Tumingin ako sa likod para tingnan si Enoc habang naglalakad kasaby ni Nahamani, nag kibit balikat lamang si Enoc at sinuot ang hood ng cloak niya sa ulo.


Narating namin ang bayan at parang isang sinaunang market place ang mga nakikita ko, 'yung parang before Christ pa, ang kakaiba lang ay ang mga outfits nila. OOTD kasi mga tao dito haha.


Napansin kong madaming nakatingin sa direction namin nila Enoc, pero habang tumatagal nare-realize ko na sa akin pala sila nakatingin. As in literal na sa kin. Hindi lang madami kundi lahat ng nakakasalubong namin ay tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Na co-conscious tuloy ako baka panget ang outfit ko. Pero sa tingin ko ay hindi naman ganun ka panget. Tattered skinny jeans na color black, boots na may kunting heels, black din ang upper ko at 'yung buhok ko tinali ko at may headband na Nike.


Kung ikukumpara mo 'yung suot ko sa kanila ay kakaiba nga naman talaga, dahil ang mga suot nila ay parang mga sina unang kasuotan nung mga panahon pa ni Beauty and the Beast at nila Cinderella. Like Hello? Masisisi ba nila ako eh nanggaling ako sa millineal world na puno nang pekpek short, off shoulder at crop top?


"Ngayon lang sila nakakita ng kasuotan na gaya nang sayo kaya ganyan sila kung makatitig, naiiba ka kasi" sabi ni Enoc habang naglalakad kami sa daan. Napansin siguro niya na sobra na ang pagkailang ko sa mga titig nila sa akin.


"Ganon ba? Pansin ko nga na kakaiba ang suot ninyo." sabi ko kay Enoc habang nakangiti sa kanya. "Oo nga pala Enoc, anong lugar ito? Ang ibig kong sabihin sa anong bahagi ito ng Enca Majica?"


"Ito ang pinaka unang lungsod ng Enca Majica, ang lugar na ito ay tinatawag na Acremo" sagot ni Enoc.


"Acremo? Magandang lugar ba ito?" tanong ko kay Enoc dahil sa pangalan palang parang medyo hindi siya magandang pakinggan.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon