MAJiCA 13 -

6.9K 394 15
                                    

| PARiS |


"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday dear Paris, happy birthday to you!" sabay-sabay na kanta nilang lahat. Well except kay Kirkus dahil halatang walang alam sa kung ano man ang kinakanta nila.


"Happy 20th birthday my love" sabi ni Mommy sabay lapit ng cake sa'kin para hipan ang candle.


"Thank you Mom! Thank you sa inyong lahat!" nakangiting sabi ko sabay pikit ng mga mata ko para makapag-wish.


Make my stay in Enca Majica memorable ani ko sa isip ko at inihipan ang candle.


"YEHEEYY!!" sabay-sabay nilang sabi at pumalakpak.


"Oh what are we waiting for, kainan na!!!" sigaw ni Daddy sa kanilang lahat.


Kunti lang ang bisita ko. As in literal na kunting kunti dahil nga biglaan lang ang celebration na ito. Ang nandito lang ay sina Mommy, Daddy, si Nanay Raquel, si Manong Berting na driver namin, si Pia na bestfriend ko at sina Tito Peter and Tita Bea na Daddy at Mommy ni Pia at pang huli ay si Kirkus na hindi mapakali.


Isa-isa na silang umupo sa upuan sa dining area namin ngunit si Kirkus ay parang may inoobserbahan sa paligid.


"Kirkus, halika ka hijo at kumain na!" tawag ni Mommy kay Kirkus.


"Mamaya na ako, maraming salamat" sagot ni Kirkus at lumabas sa kitchen. Anong problema nun?


"Susundan ko lang po siya, baka hindi siya sanay sa ganito, alam mo naman 'yun Mom, Dad." sabi ko at naintindihan naman nina Dad at Mom 'yun at tumango silang pareho.


Lumabas ako sa kitchen at nakita si Kirkus na palabas sa may sala namin. If I'm not mistaken papunta siya sa garden namin.


"Kirkus!" tawag ko sa kanya at tumingin naman siya.


"May problema ba?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako.


"Hindi maganda ang aking pakiramdam." sagot niya at palinga lingang nakatingin sa paligid.


"Anong ibig mong sabihin? Masama ba ang iyong pakiramdam?" sagot ko at hinawakan ang kanyan noo. Dahil nga sa may kataasan si Kirkus ay kailangan ko pang tumingkayad para maabot ang noo niya.


"Oh! Ang init mo!" sigaw ko sa kanya at biglang lumayo si Kirkus.


"Ano ang iyong ginagawa? Natural mainit ako dahil dito!" sagot niya at tinaas bahagya ang kanang kamay na umaapoy.


Tumingin ako sa likuran baka sakaling may makakita at mabuti na lamang wala.


"Kirkus!" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.


Sinirado niya naman ang kanang kamay niya para mawala ang apoy at lumapit sa akin.


"Kumikilos ka na tulad ng isang binibini kahit ikaw ay lalaki, ngunit natatagpuan kitang maganda" sabi niya at ginulo ang aking buhok at bumalik sa kitchen.


Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Kirkus. Ang bilis ng tibok ng puso ko.


"Shit Kirkus! What was that for?" pabulong na tanong ko sa sarili ko.

●▬▬๑۩۩๑▬▬●

PS: Some chapters here are not available to read. Mababasa niyo po lahat ng chapters ng Enca Majica sa TypeKita app.

Download lang po kayo mg TypeKita sa google/playstore and search for my profile rafictions.

Doon niyo po mababasa ang FULL story. Dont worry FREE lang po 'yung story ko doon parang katulad lang din nitong wattpad.

🆁🅰🅵🅸🅲🆃🅸🅾🅽🆂

ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon