MAJiCA 32 -

4.9K 314 17
                                    

| PARiS |


"Kuya.. Kuya." Gising sa akin ni Nahamani.


"Hmm." Sabi ko habang nag-iinat-inat ng mga kamay pero nananatili parin akong nakapikit.


"Kuya, gising. Kain na tayo." Sabi ni Nahamani at binuka ko ang mga mata ko at bumangon sa pagkakahiga.


"Good morning kuya."


"Good morning din Nahamani. Aba ang bango mo ah. Bagong ligo ka pa." Sabi ko sabay gulo ng buhok niya.


"Siyang tunay kuya. Sinamahan ako ng isang tikbalang sa ilog. Nahihirapan nga akong intindihan ang mga wika nila." Sagot ni Nahamani at lumabas na kami sa maliit na kubo.


"Oh Paris, gising kana pala. Halika at kumain." Sabi ni Lakit at nakita ko ang masasarap na pagkain na nasa aking harapan.


"Wow!" Nasabi ko at dali-daling umupo.


"Kuya, ubos na pala iyong body wash." Sabi ni Nahamani at kumuha ng apple.


"Ganun ba? Oo, paubos na nga yun noong naligo ako kahapon. Kukuha nalang ako uli sa amin." Nakangiting sabi ko.


Naisip ko na umuwi, gustohin ko mang isama si Nahamani ngunit hindi ko magawa dahil hindi kaya ni Francess ang mag teleport na may kasama ako. Kukuha lang naman ako ng mga supply doon ng body wash at toothpaste.


"Kami ay pupunta sa sentro ng gubat Paris para mag ensayo. Baka nais mong sumama." Sabi ni Lakit habang kinikis-kis ang dalawang kutsilyo.


"Oo ba, baka sakaling sasali din ako." Natatawang sagot ko sa kanya habang kumakain ng inihaw na kambing.


"Magandang ideya iyun. Pwede mo din kaming tamaan ng iyong kapangyarihan at susubukan naming ilagan para bumilis pa ang aming pagtakbo." Sabi ni Lakit at pumunta sa harapan ko.


"About that, ano kasi - hindi ko pa alam kung papaano palabasin ang aking kapangyarihan."


"Talaga? Mahirap paniwalaan. Ngunit dahil siguro ay sa mundo ka ng mga mortal lumaki gaya ng sabi mo kagabi ay hindi na rin nakakapagtaka. Kung gusto mo ay tutulungan kitang palabasin ang iyong kapangyarihan." Nakangiting sabi ni Lakit sa akin.


"T-Talaga? Oo ba. Gusto ko 'yan." Sagot ko.


Tumango lang si Lakit sa akin "Kung gusto mong maligo ay pasasamahan kita sa isang tikbalang dito. Magsabi ka lamang." Sabi niya.


"Sige, may kukunin lamang ako para makaligo na." Sagot ko kay Lakit at hinarap si Nahamani. "Aalis lang ako saglit ha, babalik din ako agad. Kukuha lang ako ng body wash natin." Sabi ko at hinawakan ang pisnge niya.


Tumango lamang si Nahamani bilang sagot. "Don't worry, babalik din agad si kuya." Sabi ko dahil nakikita kong medyo nalungkot ang kanyang mukha. Alam kung natatakot siya dahil baka hindi na ako babalik.

ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon