-- * --
"Humayo na kayo at iligtas ang inyong mga sarili! Ilang minuto ngayon ay magkakamalay na uli sila!" sabi ko sa mga estudyante.
Ako si Halena, isang mangkukulam. Bilang isa sa mga kasapi ng konseho sa Enca Majica Acadèmia ay tungkulin kong panggalagaan ang kaligtasan ng mga majing nag-aaral dito.
"Maraming salamat. Naway pagpalain ang iyong kabutihan" sabi ng isang maji na nagngangalang Paris. Kilala ko siya dahil sila 'yung grupong nanalo sa arena laban sa pangulo ng konseho, ang prinsipe Kirkus. Nagtataka ako kung bakit hindi lumaban ang prinsipe gayo't isa siya sa pinakamalakas na maji sa Enca Majica. Bagamat hindi lang ang prinsipe ang kayang magmanipula ng apoy, ngunit natatangi ang kanyang angking galing sa paggamit ng kanyang kapangyarihan. Maniwala kayo sa akin, hindi mo gugustuhing makita siyang lubusan na magalit.
Tumango lamang ako kay Paris at tumakbo na siya paalis.
"Magdmadali kayo!" sigaw ko sa mga majing estudyante.
Pinaglaho ko ang aking sarili upang iligtas ang mga majing hindi marunong lumaban. Sana ay ayos pa sila ngayon.
Napunta ako sa gusali ng mga gama ngunit nasira na ang tinutuluyan nilang gusali.
"Hishte!" nasabi ko nang makita ang mga gama na pinapalibutan ng mga makapangyarihang navalak.
Importante ang mga gama para sa aming mga maji. Dahil sila ang nagbabalik sa amin ng aming mga lakas at kapangyarihan. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na hindi nila kayang protektahan ang kanilang mga sarili, kaya pinoprotektahan naming mga maji ang mga gama.
Bilang isang mangkukulam ay eksperto ako sa mga enkantasyon at sa paglikha ng mga iba't ibang uri ng gayuma. Kaya ko din maging isang uwak kung aking nanaisin.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata.
"Adi Cantum" mahinang salita ko at tuluyan nang naging isang uwak.
"Akkkk!!! Akkkkk!!! Akkkkkk!!" tunog na aking ginawa para makuha ang atensyon ng mga navalak habang lumilipad sa itaas.
Pumunta ako sa harapan ng mga gama at ibinalik ang aking dating anyo.
"Factus Medusa!" sigaw ko at naging bato ang limang navalak.
Hinarap ko ang mga gama at "Ayos lamang ba kayo?" tanong ko sa kanila at tumango sila bilang sagot.
"Ma-maraming s-s-salamat Halena." halatang natatakot na sabi ng babaeng gama.
"Huwag kayong matakot. Nandito ako para iligtas kayo. May nakuha ba sa inyo?"
"Oo, may ibang mga gama ang nabihag ng mga navalak. Kami lang ang nakatakas at mabibihag na din sana kami. Mabuti nalang ay dumating ka." sagot ng isang binatang gama.
Tumango lamang ako sa kanila. "Tara na. Hindi ligtas ang lugar na ito." sagot ko sa kanila at nagsimula na kaming lumakad.
| PARiS |
Dumating na kami sa ilog ng Yufrates. Kanina ko pa kino-convince si Eros na huwag pumunta dito dahil naaalala ko na ang lugar na ito. Papano ko to makakalimutan eh halos dito na kami muntikang mamatay na dalawa ni Kirkus makakuha lang ng tubig dito.
"Eros, wala naba talagang ibang lugar ang pu-pwede nating puntahan aside dito? Eh dito na kami muntikan mamatay ng amo mo."
"Hindi ko maunawaan ang iyong ibang salita ngunit wala na akong ibang maisip na ligtas na lugar kung hindi ang lugar na ito. Hayaan mo, hindi naman tayo lalapit sa ilog. Dito lamang tayo sa malayo." sagot niya at humiga sa damo.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...