| PARiS |
"Nahamani, dalian mo na!" Mahinang sabi ko habang nakabantay sa tapat ng pintuan ng kwarto namin.
"Masusunod kuya, malapit na ako," sagot ng bata habang nilalagay sa maleta ko ang mga damit niya. "Finish!" Dagdag niya at tinaas ang dalawang kamay na akala mo nanalo sa lotto.
Ngumiti din ako sa kanya dahil naisip kong matalino talaga ang batang ito.
Lumapit ako para kunin ang maleta ko na pink kung saan nandoon ang mga gamit at damit namin ni Nahamani. Supposedly dalawa 'to kaso isa nalang ang dadalhin ko. 'Yung mga importanteng gamit lang ang dinala ko.
Naglalakad na kami sa may hallway ni Nahamani. Ang sa right hand ko ay hila hila ko ang maleta while ang left hand ko naman ay nakahawak kay Nahamani.
Paliko na sana kami ng makita namin ang dalawang bantay sa may daanan palabas ng second floor; Nasa second floor kasi lahat ng mga kwarto at may nagbabantay sa pinakadaanan.
"Wait." Sabi ko kay Nahamani at pinagpag ang sarili ko.
Pumikit ako at inisip na mapunta doon sa mga nagbabantay na siya namang nangyari sa pagbuka ng mga mata ko.
Nilagay ng dalawang kawal ang kanang kamay sa tapat ng dibdib nila at nag-bow.
"Mga kuya, pinapatawag kayo ni Kirk, I mean prinsipe Kirkus sa kanyang silid. May nais lamang siyang iutos." Sabi ko sa dalawa, sana naman kumagat.
"Masusunod." Sagot ng nasa kaliwa at nag-bow silang dalawa at dumiretso sa kabilang hallway kung saan nandoon ang kwarto ni Kirkus.
Tumakbo ako sa kinaruruonan ni Nahamani at - "Let's go! Let's go! Wala ng tao este kawal." Sabi ko kay Nahamani, nakalimutan kong hindi pala mga tao ang nandito sa mundong 'to.
Tumango lang si Nahamani at lumabas na kami sa may second floor. I tried na mag teleport kanina at isinama si Nahamani pero hindi ko magawa. 'Tsaka sumasakit ang ulo ko kapag ginagawa ko 'yun kaya no choice ako. Hindi ko pa kayang gawin 'yun. Heto kami ni Nahamani, tumatakas sa palasyo. I don't want to stay here no more. Habang tumatagal ang pag stay ko dito ay lalo lamang akong masasaktan. Yes, andoon na 'yong mami-miss ko si Kirkus at ang kakulitan ng kanyang nakababatang kapatid na si Kurtis, pero mas pipiliin ko nalang na lumayo.
Pababa na kami ng hagdan ni Nahamani nang makita naming sobrang dami ng kawal sa ibaba. Isama mo na din ang mga katulong na busyng-busy sa paghahanda sa kasal nila Kirkus bukas.
Nahihirapan akong buhatin ang maleta pababa. Ginamit ko na ang dalawang kamay ko at si Nahamani naman ay nakahawak sa damit ko.
"Kuya, ang dami nila. Hindi tayo makakalabas ng hindi tayo nakikita." Sabi ni Nahamani sa akin at tumingala para makita ako. Ako naman ay yumuko para makita siya.
Ngumiti ako kay Nahamani at sinabing, "Si Francess na ang bahala." Sabay taas ng kanang kamay ko at lumabas si Francess.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...