Nakita kong nakaluhod si Enoc at may nakapulupot sa kanyang sanga ng mga puno. Agad kong napansin ang babaeng nasa harapan niya, color green ang mga mata niya; at ang kamay niya ay may may nakapulupot na mga dahon. Sinusubukan ni Enoc na putulin ang mga sanga sa pamamagitan ng ibat ibat sandatang nililikha niya sa kanyang mga kamay ngunit hindi niya magawa.
"Kunin ang bata" utos ng parang leader nila na naka turo sa may banda namin ni Nahamani.
"Huwag ang kapatid ko! Parang awa niyo na!" sigaw ni Enoc sa mga lalaking papalapit sa amin.
"adelfi natatakot ako." sabi ni Nahamani at yumakap pa lalo ng mahigpit sa akin.
Tumayo kami ni Nahamani at pinatago ko siya sa likuran ko.
"Huwag kayong lalapit! Binabalaan ko kayo!" sigaw ko sa kanila.
"Paris! Parang awa mo na! Huwag mong hayaang makuha nila si Nahamani!" naiiyak na sigaw ni Enoc.
Tinapat ko ang kanang kamao ko sa bibig ko at pumikit para pakiusapan si Francess sa aking isip.
Hindi ko alam kong posible Francess pero may kakayahan kang magbigay ng kakaibang liwanag. Nung una kitang nakita, para akong nabulag sa liwanag na nanggagalig sa iyo. Inuutusan kitang bulagin mo sila sa pamamagitan ng iyong kakaibang liwanag.
At binuka ko ang aking mga mata.
"Bilang ikaw ay tagapag-tanggol ko gawin mo ang inuutos ko!!" sigaw ko at tinapat ang kamay ko sa mga lalaking pasugod sa amin.
Lumabas ang matinding liwanag na nanggagaling sa kanang kamay ko at lumiwanag nang sobra sobra ang paligid. Wala akong makita kahit na ano kung hindi tanging liwanag.
Maya maya ay unti unti ko nang nakikita ang paligid.
"Adelfi! Adelfi!" dinig kong sigaw ni Nahamani sa aking likuran.
Tumingin ako sa aking likuran at nakita si Nahamani na naka upo sa lupa at kinusot kusot ang kanyang mga mata.
"Adelfi! Wala akong makita! Kuya! Asan kayo!!?" sigaw ni Nahamani.
Pinagmasdan ko ang paligid at lahat ng mga tao ay pakapa pakapa at tila wala silang nakikita.
Nilapitan ko si Nahamani at niyakap.
"Sino ka?! Adelfi? Ikaw ba yan?"
"Ako ito Nahamani, anong nangyayari sa iyo?" pag-aalalang tanong ko.
"Wala akong makita adelfi! Wala akong makita ni kahit ano kung hindi tanging liwanag lamang."
Binuka ko ang aking palad para palabasin si Francess.
"Francess, anong nangyayari? Bakit walang makita si Nahamani?" tanong ko kay Francess habang yakap yakap pa din si Nahamani.
"Hindi lang siya ang pansamantalang nabulag master, lahat nang nakakita ng liwanag na ipinalabas ko ay pansamantalang mabubulag."
"Nahamani! Paris! Nasaan kayo!!" dinig naming sigaw ni Enoc kaya napatingin ako sa kinaruruonan niya.
"Adelfo? Adelfo! Nandito ako!!" dinig kong sigaw ni Nahamani.
"Kailangan na natin maka alis dito master bago pa tuluyang manumbalik ang paningin ng mga navalak."
Tumango nalang ako at kinarga si Nahamani at pumunta sa kinaruruonan ni Enoc.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...