| PARiS |
Dalawang buwan na ang nakalilipas nang matuklasan namin ni Kirkus ang tunay kong kapangyarihan. Hanngang ngayon ay na a-amaze pa din ako kasi nga iba't ibang kapangyarihan ang nagagawa ko.
"Ganyan nga!" Sabi ni Gano habang sinusubukan kong kontrolin ang tubig sa ilog.
Sa pagtaas ng aking kamay ay siya namang pagtaas ng tubig na nag fo-form na parang ahas.
"Ngayon, subukan mo namang gayahin ang aking kapangyarihan." Sabi ni Gana na naka-upo sa malaking bato.
Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi niya; Huminga ako ng malalim at nararamdaman ang paglamig ng aking mga kamay. Maya maya pa ay naging yelo ang buong ilog.
"Nakakamangha!" Sigaw ni Gana.
Bigla namang lumitaw si Kirkus harapan namin.
"Tama na iyan. Paris magpahinga kana. Masyado mo nang nagagamit ang lakas mo." Sabi ni Kirkus at lumapit sa akin.
Tumango lang ako kay Kirkus sabay pulupot ko ng kamay sa braso niya.
"Kumusta ang iyong lakad Kirkus?" Tanong ni Gano.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nakikita ni Kirkus si Eros. Maging si Ravi ay hinahanap na nila dahil dalawang buwan na itong hindi mahagilap. Nag-utos na din ang ama ni Ravi na si Haring Lai ng mga majing hahanap din sa kanya.
Sinubukan naming humingi ng tulong kay Gurong Mahata, ang guro na nakakakita ng mga bagay-bagay ngunit hindi niya ito makita. Ang sabi niya ay parang may nag ba-block ng kanyang mahika upang hindi mahanap ang kinaroroonan ni Ravi at ni Eros.
"Wala pa ding balita sa kanila. Halos naikot ko na ang buong Enca Majica sa loob ng dalawang buwang paghahanap ngunit hindi ko makita si Eros, maging si Ravi ay hindi ko maramdaman." sagot ni Kirkus sa tanong ni Gano.
"Hindi kaya ay nabihag si Ravi ng mga navalak?" Tanong ko at napatigil kaming lahat sa paglalakad.
"Posible iyon Paris." Sang-ayon ni Gana sa sinabi ko.
"Ang kaharian nalang ng navalak ang hindi ko pa napupuntahan." Sabi ni Kirkus. "Hayaan niyo't, bukas na bukas din ay hahayo ako sa kaharian ng navalak upang tingnan kung nandoon ba si Ravi." Dagdag ni Kirkus.
"Hindi ba't bukas na i-a-anunsyo sa buong Enca Majica ang pagsalin ng trono sa inyo Kirkus? Nararapat lamang na maghanda kayo. Saka nalang natin ituloy ang paghahanap kay Ravi at Eros pagkatapos ng kaganapan" Sabi ni Gano sa amin.
"Siyang tunay Kirkus" Singit naman ni Gana.
Tumango lang si Kirkus at tumingin sa akin. "Pasensya kana mahal ko, masyado lamang nahahati ang oras ko kaya nawala sa aking isipan ang kaganapan bukas."
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...