| PARiS |
Nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Ewan ko kung anong oras na ngunit feeling ko madaling araw pa.
Dahil sa may kadiliman ay hindi ko makita ang kabuuan ng paligid. Kinapa-kapa ko ang nasa harapan ko dahil parang kasing matigas ang unan ko. Bumangon ako at umupo ng pa squat sa kama. Malambot naman 'yung kama ko pero parang ang tigas ng unan ko.
Kinapa ko ang nasa harapan ko at naramdaman kong para akong nakahawak sa maliliit na humps. Hindi lang isang humps kung hindi tatlong humps na magkabilaan.
Biglang umapoy ang mga torches sa sulok ng room at doon ko lang napagtanto na nakahawak na pala ako sa tiyan ni Kirkus at ang sinasabi kong unan ay ang matitipuno niyang dibdib.
"Ano ang iyong ginagawa?" Pagtatakang tanong ni Kirkus sa akin.
Try to imagine yung pwesto kong naka upo sa kama ng naka squat at naka hawak sa mga abs ni Kirkus. Ang pwesto naman ni Kirkus ay parang nakahiga ngunit nakataas ang katawan niya at ginagamit na pantukod sa kama ay ang kanyang dalawang siko. Naka topless siya at naka suot lamang ng padjama na puti.
Napalunok ako ng laway ng makita niya ako sa posisyon na iyon.
Agad kong binawi ang kamay ko at umupo patalikod sa kanya. "Oh gosh Paris! Nahihibang kana ba?! Bakit mo naman nakalimutan na magkatabi kayong matulog ni Kirkus." Sabi ko sa isip ko.
"Eh bakit ba? Hindi ko naman iyun kasalanan noh? Nasanay kaya akong si Nahamani ang katabi kong matulog at kapag nakayakap siya sa akin ay soft ang na fe-feel ko kaya nagtaka ako bakit parang matigas na ang nasa harapan ko!" Sagot naman ng konsensya sa isipan ko.
Gumalaw ang kama at alam kung umupo na si Kirkus sa pagsemi-higa niya. Nanatili pa din akong nakatalikod sa kanya at hindi siya hinaharap.
Naramdaman ko ang matitipunong bisig niyang yumakap sa akin patalikod. Tumingin ako sa ibaba para tingnan ang mga kamay niyang nakapulupot sa tiyan ko.
Oh gosh! Is this for real? 'Yung sobrang gwapong prinsipe ay boyfriend ko na
"May problema ba Paris?" Tanong ni Kirkus sa akin.
Oh tukso ng mga tukso! Napaka-manly ng boses niya. Tinatayuan ako ng mga balahibo sa katawan habang tinatanong niya iyon. Ang lapit lapit niya lang kasi sa taenga ko dahil nakapatong ang baba niya sa balikat ko.
"W-wala naman." Nauutal na sabi ko.
"Kung gayoy matulog na tayo uli. Napagod ako sa labanang naganap kanina." Sabi ni Kirkus at kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Nagulat ako ng bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Nag teleport kasi siya from my likod to my harapan. Kitang kita ko na naman ang mapuputi at mapang akit niyang katawan. Nakikita ko din ang mga balahibo niya sa kili-kili na nagpapadagdag ng ka hottan niya! Oh gosh! Ewan ko ba! Bakit ang hot ng lalaki kapag ganun! Kyyaaaa!!!!
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...