MAJiCA 36 -

4.7K 289 3
                                    

| KiRKUS |


Gabi na nang maka-uwi ako sa palasyo namin. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako sa mga nangyayari. Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko na alam kung sino ang hihingan ko ng tulong, 'yung maiintidhan ang pinagdadaanan ko ngayon.


Lahat sila masama na ang tingin sa akin. Pero hindi lang nila naiintindihan ang akin pinagdadaanan.


Naupo ako sa isang malaking bato sa may harden ng palasyo. Kay gandang pagmasdan ng mga bituin sa itaas. Sana ay nakikita ito ni Paris, sana kung nasaan man siya ngayon ay masaya siya, at higit sa lahat ay ligtas siya. Siguro naiisip niya sa mga oras na ito ay wala akong kasing samang maji. Baka iniisip niya na nilinlang ko siya. Lahat ng kabutihang pinakita ko sa kanya noon ay totoo, ang hindi ko lang napakita sa kanya ay ang pagmamahal ko. Natatakot lamang ako kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Wala pa sa mga ninuno ko ang nagkagusto sa kwapa lalaki. Kaya hindi ko alam ang aking gagawin. Sana lang ay hindi niya isipin na niloko ko lamang siya.


"Nasaan kana Paris?" Tanong ko sa hangin. Gusto kitang makita kahit sandali lamang. Gusto kitang yakapin kahit saglit.


Pati si Eros na aking inutusan ay hindi pa bumabalik.


Tinaas ko bahagya ang aking kanang kamay para magpalabas ng mahinang apoy.


"Apoy, kilala mo si Paris, iparamdam mo sa kanya ang init ng aking pangungulila." Paki-usap ko sa aking kapangyarihan at biga na lamang tumulo ang aking luha.


Lumipad sa itaas ang apoy at sinundan ko ito ng tingin. Bigla na lamang itong nawala dahilan ng aking pagngiti ng mapait.


"Salamat apoy. Maraming salamat." Sabi ko at tumayo at pinaglaho ang aking sarili papunta sa silid ni Azura.


Nakita ko si Azura na nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay punit-punit pa din ang kanyang kasuoton. Marami din siyang sugat at galos sa kanyang katawan at mukha.


"Kasalanan mo itong lahat." Matigas na sabi ko at itinaas ang kanang kamay ko na nagliliyab.


Binato ko ang apoy sa mga sulo na nasa gilid ng kwarto ni Azura upang magliwanag ang kwarto.


"Pero kahit kasalanan mo ito, hindi ko pa rin itatanggi na ipinagdadala mo ang aking magiging anak." Huling sabi ko at pinaglahong muli ang aking sarili at pinuntahan ang silid ng mga katulong.


"M-Mahal na prinsipe? Anong maipaglilingkod namin sa inyo?" Tanong ng isang katulong sa palasyo.


"Bihisan niyo si Azura sa kanyang silid. Punasan niyo na din ang kanyang buong katawan ng mainit na tubig. Ipatawag niyo na din ang isa sa mga gama sa palasyo upang gamutin at pahilumin ang kanyang sugat."


"Masusunod Mahal na prinsipe." Sagot ng katulong sabay nagbigay galang at nagmadali nang umalis.



| PARiS |


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon