MAJiCA 22 -

5.9K 344 38
                                    

| PARiS |


"Anak, gising. Hindi ka ligtas sa lugar na ito." dinig kong sabi ng isang boses. Nasa isang lugar ako na walang katao-tao. Puro black lang ang nakikita ko. Pati inaapakan ko ay black, mga dinding at sa itaas ay puro black. Para akong nakatayo sa kawalan.


"Sino ka?" tanong ko.


"Anak, gumising ka. Imulat mo ang iyong mga mata. Umalis kana sa lugar na ito." sabi niyang muli.


"Asan ka? Magpakita ka sa akin" sabi ko habang umikot-ikot para hanapin ang nagsasalita.


May isang babaeng lumitaw sa harapan ko. Naka dress na kulay gold. Hindi masyadong clear ang mukha niya. Pero one thing is for sure, sobrang napakaganda niya at sobrang puti niya. Blonde din ang buhok niya na medyo wavy. Gaya ko, may highlight din na pink sa buhok niya. Hindi man clear ang mukha niya pero alam kong maganda talaga siya.


Bigla niyang tinaas bahagya ang kanyang kanang kamay at lumiwanag ito at niluwa doon si --


"Francess?" patanong kong sabi.


"Itaas mo ang iyong kamay" sabi nang babae.


"Ba-Bakit nasa iyo sa Francess?" tanong ko sa kanya.


Hindi siya sumagot kaya tinaas ko nalang ang aking kamay bahagya para palabasin si Francess. Lumabas naman si Francess at tumingin sa akin.


"Ela" sabi ng babae at lumipad ang fairy mushroom na kamukhang kamukha ni Francess sa gitna.


"Vos Coram Me" ding kong sabi ng enca ng babae.


Tumingin si Francess sa kanya at "Quid opus est tibi? Quis es?" sabi ni Francess, or tanong ni Francess. Ewan hindi ko sila maintindihan.


"Et regnavit Ela eamus hinc" sagot uli nang enca nang babae.


Tumingin si Francess sa akin at sinabing - "Master, siya daw si Ela, pinapapunta niya ako sa kanya."


"NO!" lumabas bigla sa bibig ko. "Baka kung anong gawin niya sayo" dagdag ko.


"Magtiwala ka, kailangan ko lang ipasa ang lahat ng nalalaman ko sa iyong enca para maprotektahan ka niya. Bilang lang ang aming oras, kaya ipagpahintulot mo" sabi nung Ela.


"Ano sa palagay mo Francess?" tanong ko kay Francess sa aking isipan.


"Nagtitiwala ako sa kanya master" sagot ni Francess.


Nag-nod nalang ako bilang pag sang-ayon.


Lumipad si Francess sa gitna at ngayon ay ka-level na sila ng Ela.


Hinawakan nila ang isa't isa at nakikita ko ang mga mushroom head nila ay umiilaw.


Palakas pa ng palakas ang ilaw sa mushroom head nila to the point na nasisilaw na ako. Mas lalo pa itong lumakas at napataas na ako ng mga kamay para itakip sa aking mukha dahil sa silaw.


"Anak, mabuhay ka para sa akin. Para sa Enca Majica." huling sabi ng babae at bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga.


Nagulat ako dahil nagkalat na ang mga gamit ko sa loob ng kwarto


"Anong nangyayari?" tanong ko sa sarili ko.


*Bogggssshhhh!!" dinig kong malakas na pagsabog sa labas.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon