MAJiCA 12 -

7.1K 450 23
                                    

| PARiS |



"Babe????" patanong na sabi ni Pia nang makababa ako sa sasakyan namin.


Ayaw pa sana ng Doctor sa hospital na palabasin sina Dad and Mom pero nag insist sila. Wala naman ding magagawa ang mga Doctor at ang hospital if gustuhin ng mga pasyente. Kaya after kong ialakad ang mga papers nila for discharge ay naka-uwi na din kami sa wakas.


"Babe!!" sigaw ko sa kanya at yinakap siya. "Kanina ka paba dito?" tanong ko dahil naka upo lang siya sa may labas ng gate namin.


"Mga 3 minutes lang. Wait! Anong nangyari sa buhok mo? Kailan kapa nagpa-blonde? May highlights pa na pink ha. Pero in all fairness, ang ganda nang pagkakagawa." sabi niya at napatingin sa aking likuran.


Tumingin naman ako sa likod at nakita si Mommy na inalalayan ni Daddy. Kanina ko pa din napapansin silang dalawa na parang balesa at may iniisip. Tinatanong ko naman sila if may problema ba pero wala naman daw.


"Pia hija, we'll go ahead napagod ang Tita mo sa byahe" sabi ni Dad kay Pia nang makalapit sila sa amin.


"Sige po Tito" sagot naman ni Pia at pumasok na sina Mom at Dad sa loob.


Napako uli ang tingin ni Pia sa aking likuran kaya tiningnan ko kung sino ang tinitingnan niya at hindi nga ako nagkamali. Si Kirkus na nakapamulsa ang dalawang kamay habang naka-tingin din sa kinaruruunan namin ni Pia. Aaminin ko ang gwapo at ang astig ni Kirkus sa porma niya ngayon. Pinagsuot ko kasi siya ng fitted jeans na royal blue ang kulay. At sneakers na white and fitted sando na white din. Matitipuno ang kanyang dibdib at kita din ang balahibo sa kanyang under-arm. Ewan ko ba gustong-gusto ko talaga yung lalaki na maputi at mabuhok ang kili-kili. Haha! Okay landi alert!


"Bakla sino siya?! One week pa lang tayong hindi nagkita may papa kanang dala" parang kinikilig na sabi ni Pia habang tinatampal-tampal niya ang braso ko.


"Aray! Ano ba! Hindi ko siya boylet noh! He's a friend" sagot ko kay Pia sabay tinging kay Kirkus . Sinabihan ko kasi siya kanina na huwag tatanggalin ang kamay sa mga bulsa kung kinakailangan. Dahil baka sunugin niya lahat ng nakikita niya.


"May problema ba? Bakit kayo nakatitig sa akin?" tanong ni Kirkus nang makalapit siya sa amin ni Pia.


"Ah. W-wala naman" nauut na sagot ko.


"Hi, ako pala si Pia" pagpapakilala ni Pia habang inilahad ang kamay para makapag shake hands.


Tiningnan lang ito ni Kirkus at maya maya kinuha niya ang kamay ni Pia at yumuko para halikan.


"Kinagagalak kitang makilala binibini. Ako si Prinsipe Kirkus" sagot ni Kirkus na siyang dahilan para mahilamos ko ang mukha ko gamit ang kaliwa kong kamay.


Pinaghiwalay ko ang kanilang mga kamay at humawak sa braso ni Kirkus para hilahin papasok ng bahay.


"Ahm, what he meant by that babe is ang name niya is Prince Kirkus. Tinagalog lang niya para soysal pakinggan! Hahaha" tawa-tawanang sabi ko. "Di ba sabi mo may ibibigay ka sa'kin na gift for my birthday? Asan na? 1 week nang nakalilipas simula nung nag-birthday ako" pag-iba ko nang usapan.


"Ay right! Nasa bahay! Kunin ko lang at babalikan kita mamaya" sabi ni Pia at tumakbo sa kanilang bahay which is katabi lang ng bahay namin.


"Kapag may nagtanong sa'yo kung sino ka, sabihin mong ikaw si Kirkus, wag mo nang isama ang Prinsipe. Very wrong 'yun, pagtatawanan ka nang mga tao. Nakakaloka ka" sabi ko kay Kirkus habang paakyat kami sa main door entrance ng bahay namin.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon