| PARiS |
Nagising ako ng wala na si Kirkus sa tabi ko. Agad akong bumangon sa kama at lumabas sa aming silid.
Nakasalubong ko naman si Pia sa may hallway ng palasyo.
"Good morning babe! I'm on my way na sana sa kwarto niyo ni Kirkus para sana gisingin ka at makapag breakfast na." Bati ni Pia sa akin.
"Good morning din babe. Andoon ba si Kirkus?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm, wala eh. Maagang umalis. Sinabi niya sa akin na sabihin ko daw sa'yo pupunta lang siya ng lungsod dahil titingnan niya ang kalagayan ng mga maji doon. Umoo nalang ako. Ano 'yung maji babe? Mga paninda ba 'yun?" Tanong ni Pia habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
"Haha! Hindi babe, ang mga maji ay katumbas ng tao sa mundo natin." Natatawang sagot.
"Ah, 'tsaka papasok din daw siya after niya sa lungsod. Nag-aaral pa pala siya babe? Ay right! Ito ang dahilan nang pagpunta mo dito diba? Nag-aaral ka paba?" Tanong uli ni Pia sa akin.
"Ewan ko babe, naguguluhan na ako. Ilang linggo na rin akong hindi pumapasok dahil sa kaguluhan dito sa lugar na ito." Sagot ko kay Pia.
Ngayon ko lang napagtanto na nawawala na pala ang main reason kung bakit ako napunta dito. The reason why I'm here is makapag-aral sana, kaso sa mga nangyayaring kaguluhan ngayon hindi ko alam kung saan ako lulugar.
"Babe, huwag mo sanang mamasamain ha ito pero I think kailangan mo nang bumalik sa mundo natin. I mean, matagal ka nang nawawala sa inyo at alam mo bang hanggang ngayon ay pinaghahanap kapa nila Tito at Tita?" Sabi ko kay Pia habang hinihila ang malaking silya sa kusena ng palasyo para maka upo.
"Iyon din sana ang sasabihin ko sa iyo babe. I mean, yes, gusto ko dito dahil ang daming nakakamanghang tanawin. Pero, I think kailangan ko nang bumalik sa real world natin. Sa mundo kung saan ako nararapat at mag focus doon. Dream come true na itong napunta ako sa magical world na'to." Sagot ni Pia sa akin.
"Baka magtampo ka sa sinabi ko babe ha." Paninigurado ko.
"Hindi babe, gusto ko na din talaga umuwi. Baka isipin nila Mommy at Daddy na patay na ako, nako nalang! Alam mo naman yun. Advance mag-isip kagaya ko."
"Haha! Oo nga. Kausapin nalang natin si Kirkus mamaya pag-uwi." Sabi ko.
Naramdaman ko ang biglang pangangati ng kanang kamay ko. Naramdaman ko ding medyo uminit ng kunti ang kamay ko at nang pagbuka ko nito ay biglang lumabas ang puting rosas. Hindi ko siya pinalabas kaya nagtaka ako kung bakit siya kusang lumabas sa aking kamay.
Medyo kinabahan ako nang biglang nahulog ang isang petal ng rose.
"Oh gosh babe! What happen? Bakit nahulog ang isang taluyot?" pag-aalalang tanong ni Pia sa akin.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...