MAJiCA 9 -

7.2K 427 24
                                    


"Hmmm! Ang sarap ng tulog ko!" Nasabi ko sa sarili ko hahang nag-iinat at hindi pa din dinidilat ang mga mata.


"Ang sarap palang mahiga sa balat ng hayop" dagdag ko pa at dumilat.


"Kyyaa!" Biglaang sigaw ko ng makita ang dalawang babaeng nasa tapat ng kama.


"A-Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila habang takip-takip ang sarili ko sa isang makapal na kumot na gawa sa balat ng hayop.


"Sadyang hinihintay ka talaga naming magmulat ng iyong mga mata dayo. Pinapasundo ka sa amin nang mahal na prinsipe para sa agahan"


"Ga-ganun ba? S-sige salamat. Pakisabi na susunod ako. Magbibihis lang ako"


At nag-bow silang dalawa at lumabas ng room.


Kaloka! Maka-bow ha! Feeling ko tuloy ang tanda-tanda ko na para galangin ng ganun.


Tumayo ako sa kama at kinuha ang traveling bag ko sa gilid para kunin ang pouch bag ko.


Kinuha ko na din ang susuotin ko at para makaligo naman. Pero you know what? 'Yung CR nila nasa tabi lang pala ng room nato. At 'yung CR talaga na 'yun ay intended for this room. Atleast, may CR at paliguan sila. Akala ko kasi na baka sa ilog or sa kung saan lang sila naliligo gaya ng napapanuod ko sa mga movies. Para pa naman tong sina-unang panahon ang lugar na to.


Matapos kong maligo at mag-ayos ay sinamahan na ako ng dalawa sa may kitchen area ng palasyo.


"O Paris, halika at saluhan mo kami" sabi ni Kirkus.


Ang tinutukoy niyang kami ay siya at ang isang batang lalaki. Nagkatinginan kami ng batang lalaki at inirapan niya ako. Aba! Batang to!


Umupo na ako katabi ni Kirkus habang pinagmamasdan ang mga pagkain.


"May problema ba?" Tanong ni Kirkus sa akin.


"Wala ba kayong kanin o di kayay adobo man lang? Diet ba kayo dito?" Tanong ko kay Kirkus .


Mga pagkain kasi nila dito ay puro prutas at sobrang pagkalaki-laking mga tinapay. Kaloka pala dito. Everyday diet at healthy living.


"Hindi ko maunawaan ang iyong itinuran. Pero iyan lamang ang aming kinakain sa umaga. Kung iyong mararapatin ay magpapaluto ako ng bagong katay na usa"


"NO NO! Hindi na. Okay lang ito" sabi ko at kumuha ng tinapay.


Biglang tumayo sila Kirkus at ang batang lalaki nang dumating ang isang lalaki na may balbas na pula. Wow ha! Astig si kuya! Ang weird ng balbas.


"Amang Hari." Sabi ni Kirkus at nag bow.


Lumaki ang mga mata ko at muntik pa akong mabilaukan sa kinakain kong tinapay. Ang pagkaka-alam ko kasi sa mga napapanuod ko sa mga movies ay kailangan galangin ang Hari. Paksheyt!

ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon