MAJiCA WAKAS 2 -

5.5K 243 25
                                    

| PARiS |


"Pakawalan niyo ako dito!!!! Mga hayop kayo!! Ibalik niyo ang anak ko!!!" Hagulhol na sigaw ko sa mga nilalang na dumukot sa akin.


Naalala ko ang nilalang na nag pretend na siya si Kirkus.


Naka-upo ako sa kama namin ni Kirkus at hinihintay siyang dumating. Madami siguro siyang inaasikaso ngayon dahil kanina pa sana siya nandito. Pero kahit ganoon, hindi pa din naman ako nagkukulang sa kanya. Palagi ko siyang inaasikaso and I am always trying my very best to help him in any means that I can. Naiintindihan ko naman na may iba siyang obligasyon bukod sa amin ng magiging anak niya.


Biglang lumitaw ang isang pulang ipo-ipo sa harapan ko at napangiti ako dahil alam ko na kung sino ito.


"Mahal ko." Bati ni Kirkus sa akin at hinalikan ako sa lips. And of course, kinilig naman ang lola niyo!


"May sasabihin ako sa iyo." Bigkas niya at hinawakan ang aking kamay at naglakad palabas ng palasyo.


Nakasalubong namin si Nahamani na parang hindi maipenta ang mukha.


"Baby? Is there a problem? Bakit ganyan ang face mo?" Tanong ko ng nakayuko upang matingnan ang bata sabay haplos ng kanyang buhok.


"Ayaw kasing mag-play ni Kurtis, matutulog daw siya kasi pagod siya." Sagot niya sabay pout.


"It's okay baby. Hayaan mo munang magpahinga si Kurtis, baka napagod lang talaga sa class yun."


"Okay po kuya, saan po kayo pupunta? Pwede ba sumama?" Tanong niya at tumingin sa aming dalawa ni Kirkus.


"Hindi!" Biglang sagot ni Kirkus na aking kinagulat kaya napatingin ako sa kanya.


"A-ang ibig ko sabihin ay hindi na muna, baka makadistorbo ka lang sa pag-uusap namin ni Paris. Importante ang aming pag-uusapan. Bumalik kana sa iyong silid." Utos ni Kirkus at hinila ako palabas ng palasyo.


"Masyado ka namang harsh sa bata. Dinahan-dahan mo naman sana. Ang weird mo ngayon!" Sabi ko habang nakasunod sa kanya. Si Kirkus naman ay hila hila pa din ako. "Saan ba tayo pupunta kasi at ano ba iyang sasabihin mo?"


"Basta." Ang tanging sagot niya lang.


Napunta kami sa likod ng palasyo at nagulat ako nang biglang lumuhod si Kirkus na may hawak-hawak na isang napakagandang singsing.


"Alam kong ganito sa inyong mundo kapag hinihingi ng lalaki ang kamay ng kanyang minamahal upang kanyang maging asawa." Sabi niya at ako naman ay speechless at hindi alam ang isasagot.


"Maaari ko na bang kunin ang aking singsing at ipalit itong bagong singsing tanda ng aking pagmamahal sa iyo Paris?" Tanong niya.


Tumulo ang aking luha at tanging tango lang ang naisagot ko sa tanong ni Kirkus.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon