| PARiS |
"I'm ready!!" sabi ko sa sarili ko habang kinuha ko ang bag ko sa study table.
Hindi man naging maganda ang first week ko dito sa University na'to. Sisiguraduhin kong maganda ang mga mangyayari sa aking ngayong week na'to. Medyo na adjust ko na din kasi sarili ko dito sa lugar na'to.
*Krrinng*Krinngg*
*click - tunog ng pagpatay ko sa alarm.
Kanina pa talaga ako nagising at nag-ayos. Ayaw kong ma late sa subject ko.
Lumabas na ako ng dorm ko na kamukhang kamukha talaga ng kwarto ko sa mundo ng tao.
Feeling ko nga nasa bahay pa rin ako na paglabas ko sa kwarto sasalubong sa akin ang mahahabang hagdanan at ang tawag ni Nanay Raquel na Paris apo, kakain na.
"Hays, I missed them so much!"
Naglalakad ako sa kahabaan ng hallway papunta sa canteen. Nagugutom na ako.
Pagdating ko sa canteen, na-shock ako sa dami ng pagkain. Usually kasi puro mga iba't ibang uri ng tinapay lang ang naka display. Ngayon may mga karne na. Omg! Nakakamiss kumain ng Caldereta!
Excited akong lumapit sa nakahilira na mga pagkain para bumili.
"Ahm, excuse me. Magkano po ito?" tanong ko sa medyo may edad na tindera sabay turo sa kambing na kinaldereta.
"Kakaiba ang iyong pananalita maji ngunit iyan ay isang ginto lamang."
Medyo nagulat ang sa presyo ng ulam na ito.
"Isang ginto??" medyo di makapaniwalang tanong ko. "Ang mahal naman" dagdag ko ngunit pabulong lang.
Eh dalawang ginto na lang ang nandito ako at pagkakasyahin ko pa ito sa isang buwan no! Gosh! Akala ko nasa 5 to 7 silver lang eh madami ako dito. Kakaiba kasi ang pera nila dito. Parang kasing laki ng 5 pesos pero silver at gold ang kulay. Bale ang gold parang katumbas ng more or less 2 thousand pesos lang. Take note ha, totoong gold and silver ito. Kapag babalik ako sa mundo ng tao mag-iipon talaga ako at ibebenta ko itong gold. LOL
"Huwag nalang po ate. Pakibigyan niyo nalang po ako nang bilog na tinapay, dalawang piraso." sabi ko sabay prepare ng 3 na silver.
"Gusto mo ba iyan Paris?" tanong ng lalaki sa likod ko kaya agad kong tiningnan siya.
"Oh Zulon ikaw pala. Oo sana eh, kaso medyo mahal"
"Ako na magbabayad, maghanap ka nalang ng ating mauupuan." sabi nin Zulon at kinausap ang girl.
Excited akong umupo malapit sa bintana ng canteen. Medyo may kalakihan ang canteen nila dito at may mangilan ngilan na maji lang ang nandito. Dahil siguro sa maaga pa.
"Dito Zulon!" sigaw ko at wave ng kamay at nakita naman agad ako ni Zulon na may bitbit-bitbit na tray og foods!.
OMG! So hungry..
"Omg! Thank yoou so much Zulon. Hayaan mo't ililibre kita kapag nakuha ko na ang allowance ko."
"Oo ba!" sagot niya.
"Matagal kana ba dito sa University na'to?"
"Hmm.. Mga 2 years pa lang."
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...