MAJiCA 43 -

4.8K 269 34
                                    




| PARiS |


"Nahanap mo na ba si Eros, mahal ko?" Tanong ko kay Kirkus nang makarating kami sa palasyo.


"Hindi pa mahal ko. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Lahat ng posible niyang puntahan ay napuntahan ko na." Sagot ni Kirkus sa akin at sinubsob ang katawan sa kama.


Lumapit naman ako at umupo sa gilid ng kama at hinaplos-haplos ang kanyang ulo.


"Huwag kang mag-alala mahal ko. Alam kong maayos lang si Eros kung nasaan man siya ngayon." Sabi ko kay Kirkus at sinubukang pagaanin ang nararamdaman niya.


"Sana nga mahal ko, sana nga." Sabi niya at humarap ng pahiga sa akin at tiningnan ako.


Tinaas ni Kirkus ang kanang kamay niya upang mahawakan ang mukha ko.


"Ikaw ang pinakamagandang nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko." Nakangiti niyang sabi.


Hinila ni Kirkus ang mukha ko pababa at agad na siniil ng halik ang aking mga labi. Napahawak naman ako sa magkabilang balikat niya para hindi ako ma out of balance.


Humiwalay ako sa halikan namin ni Kirkus ng maramdaman ang pagsakit ng kanang palad ko.


Napatayo ako sa kama at tiningnan ang kanang palad ko. Kusang lumabas ang puting rosas at nahulog ang isang taluyot.


Napatingin ako ako Kirkus na agad na tumayo sa kama. Tiningnan niya ang puting rosas sa kamay ko at ngumiti.


"Hindi na ako makapaghintay na maging isang Ama Paris." Nakangiti niyang sabi at hinalikan muli ako sa labi.


Ngumiti na lamang ako bilang tugon sa kanyang sinabi.


"Dito kana muna mahal at akoy maliligo lamang." Sabi ni Kirkus at hinubad ang kanyang suot na polo.


"Sige mahal ko, pupuntahan ko lamang si Nahamani para kumustahin." Sagot ko sa kanya.


Naglaho si Kirkus sa silid at agad naman akong umupo sa kama.


Naalala ko ang mga nangyari kanina. Imposible namang mawala nalang basta basta ang kapangyarihan ko at pagkadakoy lilitaw muli.


Tinaas ko bahagya ang nakatupi ko pang kamao sa kanan. Agad ko itong binuksan at gaya nga ng nangyari kanina ay walang lumalabas na apoy. There's something really odd that is happening right now.


"Hindi kaya lumalabas lang ang kapangyarihan kong apoy kapag may nakapaligid sa akin na fire bender?" Natanong ko sa sarili ko.


Huminga ako ng malalim at nag concentrate. Muli kong pinalabas ang apoy sa kamay ko ngunit hindi ko talaga siya magawa.


"Nagawa kong magpalabas ng apoy noong nasa harapan ko si Zulon na apoy din ang kapangyarihan. Nagagawa ko ding magpalabas ng apoy kapag nasa tabi ko si Kirkus. Hindi kaya ang totoong kapangyarihan ko ay kayang gayahin ang kapangyarihan ng nasa paligid ko?" Natanong ko.


Pagkasabi ng pagkasabi ko ng katagang 'yun ay biglang lumabas ang sobrang pagkalakas-lakas na kulog at kidlat sa kalangitan. Agad akong napatingin sa binata ng kwarto namin ni Kirkus pero sunny day naman kaya chances to rain ay imposible.


Tumayo ako sa kama at pinaglaho ang aking sarili at pumunta sa silid ni Kurtis, ang nakababatang kapatid ni Kirkus.


"Hello Kurtis." bati ko kay Kurtis na naka-upo sa silya at sinasagutan siguro ang assignment niya.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon