| ARA |
Gamit ang hangin ay nakakalipad kami ni ina sa himpapawid, kasama namin ang mga maji na hangin din ang kapangyarihan.
Kitang kita din dito na nandoon sina Gano sa itaas ng bundok. Kasama nila ang hukbo ng mga sirena.
Sa ibaba naman ay si Kirkus at si Haring Lai. Kasama nila ang lahat ng mga kawal ng iba't-ibang palasyo, mga tikbalang at ilang mga maji.
Nakita na namin sa kabila ang hukbo ng mga navalak, kasama nila ang mga yohak, mga mababangis na lobo at iba't-ibang uri na mga halimaw.
"Ina? Sino iyang kasama nila Ekran?" Tanong ko sa aking inang si Hara dahil ngayon ko lamang nakita ang lalaking kasama nila Ekran sa harapan.
"Hindi maaari." Nasabi ni ina.
"Bakit ina? Sino ba ang navalak na iyan?" Tanong ko uli sa akong ina.
"Siya si Naval, siya ang hari ng mga navalak. Nananakaw niya ang kapangyarihan ng sino mang mahawakan niya." Sagot ni ina.
Bigla akong natakot sa sinabi ni ina. Parang ayaw ko tuloy na lumapit sa Naval na iyan.
Tumingin kami sa ibaba upang tingnan si Kirkus. Ang hudyat na lamang ni Kirkus ang aming hinihintay. Unti-unti akong napataas ng aking kanang kilay nang makita ang isang maliit na diwata na kasama niya.
"Ina, hindi ba't enca iyan ni Paris? Kahit kailan hindi ko nakita kung ano ang kakayahan nang maliit na diwatang iyan. Siguro'y pinadala 'yan ni Paris para magbantay kay Kirkus, sana lang ay magawa ng maliit na diwatang iyan ang bantayan ang Hari."
Nakita kong ngumiti si Ina sa aking sinabi.
"Huwag mong ni-la-lang ang diwatang iyan anak, hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin" Sagot ni ina sa akin.
Sakay ng isang puting kabayo ay itinaas ni Kirkus ang kanyang espada hudyat na kami ay maghanda sa aming paglusob.
Nakita ko ang maliit na diwatang pumatong sa ulo ni Kirkus. Maya-maya ay may kung anong liwanag ang kumulong sa katawan ni Kirkus.
"Proteksyon" biglang sabi ni ina kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa dako ni Kirkus.
"Ang liwanag na nanggagaling sa diwata ay proteksyon niya kay Kirkus. Walang ano mang sandata ang makakapanakit kay Kirkus hangga't nariyan ang liwanag na iyan." Paliwanag ni ina na aking kinamangha.
"PARA SA ENCA MAJICA!!!!" Sigaw ni Kirkus at nakita kong lumusob na ang mga navalak papunta sa dako nila Kirkus.
Tumingin si Kirkus sa dako namin at itinaas ang kamay at biglang tinutok sa mga navalak hudyat na kami ay lumusob.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...