| PARiS |
Sobrang busy na nang mga katulong sa palasyo para sa gaganaping event mamaya. Pati mga kawal ay busy na din sa pagroronda to make sure everything will be alright kapag sinalin na ni Haring Inferno ang korona kay Kirkus.
Naglibot-libot ako sa kabuuan ng palasyo at talagang pinaghahandan na nila ang koronasyong ito dahil sa dami ng mga palamuting nakasabit at sa mga fresh at bagong pitas na mga iba't ibang mga bulaklak na inilagay sa bawat sulok ng palasyo.
Umaalingaw-ngaw nadin sa bawat sulok ang amoy ng mga pagkain. Nagugutom tuloy ako. Hinahanap ko kasi si Kirkus dahil paggising ko ay wala na siya sa tabi ko.
"Paris." Dinig kong tawag ng lalaki sa aking likuran.
Tumingin ako sa likod at nakita si Haring Inferno kaya itinapat ko agad ang aking kanang kamay sa dibdib at yumuko upang magbigay ng galang.
"Haring Inferno." Sabi ko.
"Paris, hindi ba't ang sabi koy tawagin mo na akong amang hari. Hindi kana naiiba sa akin." Nakangiti niyang sabi.
Hanggang ngayon hindi pa din ako sanay na makipag-usap sa ama ni Kirkus. Nakaka-intimidate kasi ang awra niya. Alam niyo 'yung strikto na striktong tingnan. 'Yung feeling na may boyfriend ka tapos eme-meet mo yung papa niya at ang papa niya ay ang pinaka head ng mga sundalo? 'Yung feeling na ganun talaga ang na fe-feel ko everytime I talk to Haring Inferno.
"Paumanhin Har-- I mean, amang hari. Hindi lang po ako sanay." Sagot ko at napakamot sa batok ko.
"Masanay kana. Pasasaan ba't ikakasal din naman kayo ni Kirkus; Maari ba kitang maka-usap?" Tanong niya. Kinabahan tuloy ako.
Tumango lang ako bilang sagot at nagtungo kami ni Haring Inferno sa harden. Napapikit ako at fini-feel ang sobrang sariwang hangin sa harden. Sobrang bango din ng paligid likha ng mga iba't-ibang uri ng halaman at bulaklak. To be honest, dito lang din ako nakakita ng mga bulaklak na iba ang itsura compare sa mundo ng tao.
"Nakikita ko kung gaano ka pinoprotektahan at pinapahalagahan ng anak kong si Kirkus, Paris." Sabi ni Haring Inferno.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya tumango lamang ako bilang sagot.
"Masayahing bata si Kirkus noon. Ngunit noong pumanaw ang kanyang Inang Reyna, doon na siya unti-unting nagbago. Masilang pinagbubuntis ng aking asawa si Kurtis. Ang turan ng mga babaylan ay isa lamang ang pagpipilian. Mamatay ang aking asawa kung isisilang niya si Kurtis, o mabubuhay ang aking asawa ngunit hindi isisilang si Kurtis. Alam mo naman na siguro kung anong naging pasya ng aking asawa." Mahabang sabi ni Haring Inferno.
Naka-upo na kaming dalawa ngayon sa malaking bato sa harden.
"Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit ko ito sinasabi sa iyo." dadag ni Haring Inferno.
"Ah? Hindi po." Nasagot ko agad sa kanya.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...