MAJiCA 3 -

8.4K 478 19
                                    

"Nanay, kayo na po muna ang bahala kina Mommy at Daddy" sabi ko kay Nanay Raquel nang makabalik ako sa hospital.



"Bakit apo? Saan ka pupunta?" Tanong ni Nanay Raquel habang naka upo lang sa gilid ng hospital bed.


"Pupuntahan ko lang po sina Mommy-la at Daddy-lo sa Canada para ibalita ang nangyari kina Mommy at Daddy. Gusto ko pong kausapin sila ng personal at hindi sa tawag lang especially na matanda na sila. Ayaw ko silang biglain." pagsisinungaling ko kay Nanay Raquel. Ang tinutukoy kong Mommy-la at Daddy-lo ay sina Lola't Lolo dahil 'yun ang tawag ko sa kanila. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pupunta ako sa mundo ng Enca Majica kung saan nandoon daw ang mga iba't ibang nilalang na may iba't ibang kapangyarihan at mahika dahil baka isipin nila Nanay na nababaliw na ako. "Nakapagpabook na rin po ako ng ticket kanina lang. Bukas na po ang alis ko." Dagdag ko. Alam na rin naman nila Nanay Raquel isa na akong PR doon kaya no need for visa because of my lolo and lola na nag trabaho doon for almost three decades at ang nagasikaso para magkaroon din ako ng Permanent Residency Card.


"Ganoon ba apo? Oh siya mag-iingat ka sa byahe" sabi ni Nanay Raquel sabay tayo at tumingin kay Manong Berting "Oh Berting, ihatid mo na itong apo natin sa bahay para makapag pahinga na rin" dagdag ni Nanay Raquel.


"Sige po Nay" sagot ni Manong Berting at na-una nang lumabas ng room nila Mommy at Daddy.


Lumapit ako kina Mommy at hinaplos-haplos ang kanyang mukha.


"I promise Mom, gagaling at magigising kayo agad" sabi ko sa isip ko at hinalikan si Mommy sa pisngi.


Lumipat naman ako kay Daddy at hinaplos-haplos din ang kanyang mukha na puno ng benda.


"Daddy, I will do everything para mapagaling kayo ni Mommy. Huwag lang muna kayong sumuko ha. Babalik ako agad. At sa pagbalik ko magigising kayo uli ni Mommy. Mahal ko po kayo" sabi ko sa isip ko at hinalikan ang pisngi ni Daddy.


Naramdaman kong niyakap ako ni Nanay mula sa likuran at humarap ako sa kanya at yumakap ng mahigpit at humagulhol na parang bata.


"Tahan na apo, tahan na. Alam kong magiging okay din sina Mommy at Daddy mo"


"Sana nga po Nanay." Sabi ko at kumalas sa mga yakap niya. "Kayo na po munang bahala kina Mommy at Daddy Nanay ha? Please huwag niyo po silang iiwan dito. Babalik din po ako agad, I promise" sabi ko kay Nanay saka lumabas na ng hospital room at tinungo si Manong Berting na naghihintay na sa parking lot ng hospital.


Nang makarating kami sa bahay ay agad akong tumakbo paakyat ng room ko at sinirado agad ang pinto.


Nilahad at binuka ko ang aking kanang palad at — "lumabas ka" sabi ko sa isip ko at lumiwanag ang kamay ko at lumitaw muli ang cute na fairy mushroom.


"Kamahalan" salubong niya sa akin habang nakangiti at pinagaspas ang pakpak niya para makalipad at pumantay sa mukha ko. Muli, nadidinig ko na naman ang boses niya kahit hindi naman niya binubuka ang kanyang bibig. Hanggang ngayon na we-wirdohan pa din kasi ako. Masasanay din ako nito for sure.


"Makakabalik din naman tayo agad hindi ba?" Tanong ko sa kanya at umupo sa kama ko.


Lumipad naman siya papunta sa side table ko at pumatong doon.


"Hindi ganoon kadali makakuha ng tubig sa ilog ng Yufrates kamahalan dahil may nagbabantay kasi dito" sagot ni fairy mushroom at umupo nang naka-squat. Napaka-cute talaga nito ang sarap kurutin.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon