MAJiCA 33 -

5.2K 318 25
                                    

| PARiS |


"Kuya? Kuya bumalik ka agad." Sabi ni Nahamani sabay nagmano ng marating na namin ni Francess ang kuta ng mga centaur.


"Sabi ko naman sa iyo babalik din ako agad." Sagot ko sa kanya ng nakangiti at umupo para maka level ang mukha niya at hinalikan ang kanyang noo. "Wait lang dahil kakausapin ko lang si Lakit." Dagdag kong sabi kay Nahamani at nagmamadaling lumabas ng kubo.


"Lakit! Lakit!" Sigaw ko at "Ops, sorry" nasabi ko ng makita silang parang nag me-meeting.


"May kailangan ka ba Paris?" Tanong ni Lakit sa akin at lahat sila naka tingin sa gawi ko. Ang weird lang talagang tingnan ang sandamakmak na tikbalang sa harapan mo.


"Ahm, wala naman. Gusto ko lang sanang magpahatid sa kuta ng mga navalak." Sagot ko sa kanya na ikinalaki ng mga mata nila.


"Bakit ka nagnanais na gumawi doon? Sa gagawin mong iyan ay pinapadali mo lamang ang iyong kamatayan." Sagot sa akin ni Lakit.


"Pero kasi Lakit, binihag ng mga navalak ang pinakamamahal at matalik kong kaibigan. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung may mangyaring masama sa kanya." Sabi ko kay Lakit at napatakip sa mukha gamit ang mga kamay ko at umiyak. Natatakot ako para kay Pia. Hindi siya dapat nandito.


Naramdaman kong may mga kamay ang tumapik sa balikat ko at nakita si Lakit sa harapan ko.


"Nauunawaan kita Paris, ngunit sa tingin mo ba kakayanin mo ang sandamakmak na mga navalak na ikaw lamang mag-isa?" Tanong niya.


Umiling-iling lamang ako bilang sagot.


"Ikaw na din ang may sabi na hindi mo pa kayang palabasin ang iyong kapangyarihan. Papaano mong tutulungan at ipagtatanggol ang iyong kaibigan kung mismo ang iyong sarili ay hindi mo pa kayang ipagtanggol?" Tanong niya uli.


Napaisip ako sa sinabi ni Lakit, tama nga siya. Kung susugod ako doon ay hindi ko din kayang ipagtaanggol si Pia.


"Alam kong labis ang iyong pag-aalala sa iyong kaibigan. Ngunit ang itinuran mo ay binihag ang iyong kaibigan ng mga navalak. Kung binihag nila ito may kailangan sila sa kaibigan mo. Alam kong hindi nila ito sasaktan hanggang hindi nila ito napapakinabangan."


"Sigurado ka?" Tanong ko kay Lakit.


"Sigurado ako Paris." Sagot niya. "Kung gusto mong iligtas ang iyong kaibigan, kailangan matoto ka kung paano gumamit ng kapangyarihan." Dagdag niya. "Halika dahil ang iyong ensayo ay magsisimula ngayon." Huling sabi ni Lakit at pinasakay niya ako sa kanyang likod.


| RAVi |


"Ngunit papaano nangyari ito?" Tanong ni Haring Inferno.


Nasa pagpupulong ang mga kasapi ng kunseho. Pati na rin ang mga Hari at mga Reyna kasama kami.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon