Author's Fact:
Yufrates - When I was attending a Prayer Meeting, before kami mag start ay nagbabasa kami ng Bible, it just so happen na nabasa namin ang "Euphrates" in english o "Eufrates" in tagalog. Eh nasa chapter ako nun na nag-iisip na kong anong magandang ipapangalan ko sa ilog sa Enca Majica. Kaya I only changed the spelling
(⌒o⌒) but Euphrates in the bible is a great river.
●▬▬▬▬▬๑۩۩๑▬▬▬▬▬●
| KiRKUS |
"Hindi ako pu-pwedeng magkamali. Honey look at him, kamukha siya ng babaeng nakita natin 20 years ago" tinuran ng kinikilalang Ama ni Paris.
"T-Tama. Kanina ko pa iniisip na parang somewhere nakita ko na ang ganyang mukha. A-Anong ibig sabihin nito Rafael?" tanong nang kanyang kinikilalang Ina.
Kanina pa ako nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. May salitang aking naiintindihan pero may ibang salita din na hindi ko alam kung anong ibig sabihin.
Nilapitan ko silang tatlo at hinawakan ko ang braso ni Paris dahil nararamdaman kong siya ay naguguluhan sa mga tinuran ng Ginang at Ginoo.
"Humayo ka na at tawagin ang nais mong tawagin. Madali!" ma autiridad na sabi ko kay Paris.
"Mom and Dad, I'll be back. Stay still" turan ni Paris at lumabas na ng silid na ito.
Hinarap ko ang kinikilalang Ina at Ama ni Paris at maging silang dalawa ay nakatitig sa akin na pakiwari koy sa mga titig nila ay nagtatanong na sino ako.
"Paumanhin, ako si Kirkus, ang panganay na anak ni Haring Inferno" pagpapakilala ko sa kanila at niyukuan sila para ipakita ko ang aking panggalang.
"Narito ako para kunin si Paris at dalhin sa mundo kung saan siya nababagay" dagdag ko dahil sila lamang ay nakatitig pa rin sa akin.
Nagkatitigan silang dalawa at "A-Anong ibig mong sabihing dadalhin mo siya sa mundo kung saan siya nababagay?" tanong ng Ginang.
"Si Paris ay hindi niyo tunay na anak, siya ay anak ng Reyna Encantara, ang sina unang encantada sa mundo ng Enca Majica" pagpapaliwanag ko sa kanila. Bagama't nag-aalangan ay kailangan ko paring sabihin ito sa kanila dahil kailangan kong dalhin si Paris sa ayaw at sa gusto niya.
"Te-teka, ba-b-baliw kaba? Anong pinagsasabi mong hindi namin siya tunay na anak? Na anak siya ng Reyna Encatada ba 'yun? At anong mundo ang pinagsasabi mo?" sunod sunod na tanong ng Ginang.
Kinuha ko sa aking bulsa ang isang nakalukot na papel na nababalutan ng mahika.
"Narito, buksan ninyo, makikita niyo kung anong mangyayari kung hindi nagpakita ang sina unang Reyna sa inyo" sabi ko at inalala ang aming pag-uusap ng Amang Hari.
-----
"Pinapatawag niyo daw ako Amang Hari?" turan ko sa aking Ama na naka upo sa silid pulungan ng palasyo. Napansin ko na narito din ang isang guro sa Enca Majica Acadèmia. Sa pagkaka-alam ko ang kanyang mahika ay kaya niyang makita, ipakita at itala ang nakaraan at maging ang kasalukuyan. Pero hindi lahat ng mga mangyayari sa kasalukuyan ay kaya niyang makita.
Kinuha ni Ama ang isang nakalukot na papel at kanyang inilagay sa lamesa.
"Gurong Mahata, maaari mo bang itala dito ang nangyari sa sina unang Reyna bago siya binawian ng buhay?" tanong ng Amang Hari.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...