| PARiS |
Isang linggo na ang lumipas simula nang makita namin ni Kirkus sa Nahamani. Nasa Palacìo dè Majica na siya at magkatabi kaming matulog. Takot siyang matulog na siya lang dahil baka paggising niya siya nalang mag-isa. Ayaw niya daw maulit ang mga nangyari sa kanya noon. Nagiging parang nakababatang kapatid ko na tuloy si Nahamani.
'Yun nga lang ay hindi sila gaano magkasundo ng nakababatang kapatid ni Kirkus na si Kurtis. Kilala ko ang batang 'yun, masyadong masungit at ma pride, may pinagmanahan. Hindi ko nga makalimutan noong una kong pagdating dito ay inii-snob ba naman ako. At nung one time habang kumakain kami, ang sama ng tingin sa akin tapos kapag tinataasan ko siya ng kilay ay binibelatan lang ako.
Pareho silang 10 years old ni Nahamani, pero mas matanda ng ilang buwan si Kurtis at mas matangkad din kay Nahamani; Sinasanay ni Kirkus lagi si Kurtis sa paggamit ng kapangyarihan niya, pareho lang kasi sila ng kapangyarihan. Pero ngayon? Ako naman ang sinasanay ni Kirkus.
"Kirkus pagod na ako!!" reklamo ko at umupo sa lupa ng arena. Ayaw na ayaw ko na nga sanang pumunta dito dahil naaalala ko lang ang nangyaring paglalaban namin noon kaso wala naman kaming ibang pwedeng puntahan ni Kirkus.
"Hindi ka pa nga nakaka-sampong ikot ay pagod ka na?" tanong ni Kirkus habang nakasakay kay Eros na lumilipad.
Tumingin ako sa itaas para makita niya ang haggard na haggard kong face pero walang effect dahil nagpapalabas na naman siya ng apoy sa kanyang kamay.
"TAKBO!!" sigaw niya at binato sa akin ang fireball na gawa niya.
"KYYAAA!!" sigaw ko at biglaang tumakbo paikot ng arena.
Ganon lang ang ginagawa ni Kirkus, binabato niya ako ng apoy sa likuran ko para hindi ako tumigil sa pagtakbo dito sa pagkalaki-laking bushet na arena nato habang siya ay nakasakay lang kay Eros.
"APAT!!!!" sigaw ko nang maka-apat na ako na ikot. Anim na ikot nalang matatapos nato pero parang nahihilo na ako.
"Kung hindi mo sasanayin ang iyong katawan ay madali ka lang manghina kapag ginagamit mo ang iyong kapangyarihan!!" sigaw ni Kirkus habang binabato pa din ako ng fireball.
Hindi ko na talaga mapigilan ang panginginig ng mga tuhod ko at patuloy na akong napa-upo sa lupa.
"PARISS!!!" dinig kong sigaw ni Kirkus at sa isang kisap mata ko lang ay nasa harapan ko na siya at sa kanya tumama ang fireball na pinalabas niya pero hindi naman siya nasaktan. "Bakit ika'y biglang huminto? Paano kong natamaan ka nang apoy na iyon?!" inis na tanong niya at inalalayan akong tumayo.
"Kung hindi mo kinuha yang singsing ko na binigay mo noon edi hindi ako masasaktan kung matatamaan man ko ng apoy mo." reklamo at naglakad ng dahan dahan. Nanginginig talaga ang mga tuhod ko.
Nagulat nalang ako ng bigla akong kinarga ni Kirkus. Karga ng parang bagog kasal.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...