MAJiCA 16 -

6.3K 373 20
                                    

| KiRKUS |


Nangangalahati na kami sa aming aralin ngunit hindi ko pa nakikita si Paris na pumapasok.


"gurong Hila, paumanhin, may kailangan lamang akong gawin." turan ko sa aming guro na si gurong Hila sabay tayo sa upuan.


Tumango lamang siya bilang sagot at pina apoy ko ang sarili ko para makapaglaho at agad naman akong napunta sa pinaka sentro ng Enca Majica Acadèmia.


Pumikit ako para pakinggan ang mga yapak ni Paris ngunit hindi ko ito madinig. Pinagpag ko ang aking sarili at huminga ng malalim at pinikit uli ang aking mga mata.


"Nasaan ka Paris?" tanong ko aking sarili.


Napadilat ako ng mata ko nang madinig ang mga yapak niya na papunta na sa silid aralan.


Pinaglaho kong muli ang aking sarili para puntahan si Paris. Bilin ng aking Amang Hari na kailangan ko siyang bantayan ano mang oras.


Labis akong nagsisisi sa aking sarili sa ginawa ko sa kanya kahapon. Na umakto ako na hindi ko siya kilala. Ayaw kong mag iba ang tingin ng mga estudyante sa akin. Alam nilang hindi ako nakikipag-usap sa kanino bukod sa mga anak ng Hari at Reyna sa iba't ibang kaharian ng Enca Majica.


Kilala din ako ng mga navalak at kanilang pinag-iinitan ang mga majing malapit sa akin. Kanilang huhulihin ito at gagawing patibong para ako'y mapasuko. Kaya bukod sa mga prinsipe at prinsesa sa iba't ibang kaharian ay wala na akong kaibigan pang iba. Hindi ako nag-aalala sa aking mga kaibigan dahil sila ay malalakas na mga majing encantado at encantada at hasang hasa sa paggamit ng kapangyarihan.


Nagtago ako sa pasilyo nang makita ko na si Paris na nakaharap sa pintuan ng silid-aralan dala dala ang dalawang makakapal na libro at talaan. Kumatok siya at biglang bumukas ang malaking pinto ng silid aralan at sumalubong sa kanya si Ginang Hila.


Pumasok si Paris at nakita kong pa-upo siya sa aking upuan.


Kumurba ang aking labi dahil sa naiisip kong gawin. Gusto ko siyang asarin.


Pinaglaho ko ang sarili ko at bago paman si Paris maka upo sa upuan ay bumungad na ako sa kanya.


"Ano ba! Nauna ako dyan eh!" singhal niya sa akin.


Tumitig lamang ako sa kanya at walang sinabi. Naghalumbaba ako at iniwas ang tingin sa kanya at tumingin sa gilid kung saan naroon ang bintana.


"Paris, puntahan mo ako mamayang hapon sa aking silid-tanggapan. Pagkatapos ng inyong buong klase"  dinig kong sabi ni gurong Hila. Medyo natatawa ako dahil panigurado ay paglilinisin siya sa kanyang silid-tanggapan. Ayaw na ayaw ni gurong Hila na may nahuhuli ng dating sa kanyang klase kaya bilang parusa ay pinaglilinis ito ng kanyang silid-tanggapan.


Tumayo si Paris at yumuko at sinabing -- "Yes po"


Napatingin ako sa kanyang sinagot dahil paniguradong hindi nila ito naiintindihan. Tiningnan ko ang mga sari saring reaksyon ng aking mga kaklase at makikita mo sa kanilang mga wangis na wala silang naiintindihan sa kanyang tinuran.


"I mean, Opo. Pupuntahan po kita sa inyong tanggapan." turan ni Paris at napairap. Umaakto talaga siyang isang babae.


Totoo nga ang sabi ni gurong Mahata nuon, na lalaki ang kanyang pisikal na anyo ngunit parang babae ang nasa loob niya. Ito ang dahilan ng pagsalin ng sina-unang reyna na si reyna Encantara sa kanyang anak sa kinikilalang Ina ni Paris na si Ginang Jane. Dahil ang magiging anak ng sina-unang reyna ay lalaki at ang magiging anak ni Ginang Jane ay babae kaya para siyang pinaghalong lalaki at babae. Pero napakaganda niyang lalaki. Iyun ang aking masasabi.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon