| PARiS |
"Sige na Paris! Sundin mo na si Zulon!!" sigaw ni Gano habang naka toon parin ang atensyon sa pagkukulong ng mga electric lightning sa kanyang water bubbles.
Wala na akong nagawa kung hindi ang tumakbo papunta sa ibon at yumuko naman agad ang malaking ibon ni Zulon para ako ay madaling makasampa. Pinagaspas ng ibon ang kanyang malalaking mga pakpak saka lumipad sa itaas.
Mula sa itaas, kitang kita ko ang kabuuan ng arena.
Nakayakap lamang ako sa leeg ng malaking ibon habang naka tingin sa ibaba at pinagmamasdan ang labanan nila ni Zulon.
Nakikita kong nagpapalitan sila ng tira ng kapangyarihan.
Apoy laban sa apoy at bubig laban sa kidlat.
Binabato ng mga malalaking fireball ni Zulon si Kirkus ngunit si Kirkus ay nakatayo lamang at ang dalawang kamay ay nasa kaniyang magkabilang bulsa.
Ni hindi gumagalaw si Kirkus.
"I'm sorry Zulon" bulong ko sa hangin dahil alam kung ang agate bracelet na binigay ko ang dahilan kung bakit hindi nasasaktan si Kirkus ngayon. After kasing suotin ni Kirkus ito ay sinabi niyang nakakaramdam siya ng kakaibang energy coming from the bracelet at makakatulong yun sa kanya para magsilbing shield laban sa sariling elemento.
Sa kabilang side naman naglalaban sina Gano at Ravi na nagpapalitan pa rin ng tira sa isa't isa. Ganun pa din ang ginagawa ni Ravi, nagbabato ng lightning kay Gano at si Gano naman ay kinukulong niya ito gamit ang kanyang water bubbles.
"Hindi kapa ba nanghihina Gano? Masyado mo nang nagagamit ang tubig na nangangaling sa iyong katawan kaibigan." dinig kong sabi ni Ravi kay Gano.
Tiningnan ko si Gano at kita ko sa kanyang mukha na nahihirapan na din siya. Nawawala na ang pagka mestiso ng kanyang mukha at napapalitan na ito ng pagkaputla.
Maya maya ay napaluhod nalang si Gano sa lupa at humihingal.
Shit! Gano.
Binuka ko ang aking kanang palad at maya maya ---
"Master."
"Francess, anong gagawin ko? Anong nangyayari kay Gano?"
"Water bender siya master, at kayang manipulahin ang tubig. Kaya siya nanghihina ay dahil nagagamit niya ang tubig sa kanyang katawan sa pagpapalabas ng kanyang kapangyarihan. Kung mayroon lang gripo o dagat dito ay makakatulong yun sa kanya ng sobra sobra dahil 'yun ang kanyang gagamitin instead sa tubig na nanggagaling sa kanyang katawan." habang explanation ni Francess.
"Anong gaga--" hindi na ako natapos sa sasabihin ko nang madinig kong sumigaw si Ravi.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...