MAJiCA 39 -

4.8K 292 8
                                    

| PARiS |


Pinaliwanag sa akin ni Ravi ang lahat-lahat ng mga nangyari bago kami bumalik sa palasyo nila Kirkus. Pinaliwanag niya sa akin kung ano ang ginawa ni Azura at kung ano ang ibig sabihin ng nagliliwanag na rosas sa kanang palad ko. At believe me ay hanggang ngayon hindi pa tuluyang ma sync-in sa buo kong pagkatao ang mga nangyari.


"Pa-Paris?" Dinig kong sabi ng sobrang familiar na boses. Nandito na pala kami sa Palacìo dè Majica.


Tinaas ko bahagya ang aking ulo upang tingnan si Kirkus dahil nananatili lamang akong nakaluhod at nakatiklop ang mga tuhod habang hawak hawak ang katawan ni Azura.


Biglang lumuhod si Kirkus at niyakp ako. Siguroy napansin niya ang pumapagitna sa amin kaya kumalas agad siya sa kanyang yakap at agad na tiningnan ang babaeng nakakandong ang ulo sa aking mga hita.


"A-Azura?" Patanong na salita ni Kirkus.


Kita ko ang panginginig sa mga kamay ni Kirkus nang dahan dahan niyang hawakan ang katawan ni Azura.


"A-Anong nagyari? A-Anong nangyari sa kanya?!!!" Galit na sigaw niya.


"Pinaslang siya ni Ekran." Sagot ni Ravi.


"H-Hindi, ang anak ko. Papa-ano ang aking anak!!!" Sigaw uli ni Kirkus at biglang lumakas ang apoy sa mga torches na nakasabit sa bawat sulok ng palasyo.


"Ki-Kirkus.." Natatakot at naiiyak na sabi ko. Natatakot ako kung ano ang magiging reaction niya kapag nalaman niya ang lahat. Ako ba ay kanyang itatakwil?


Hinawakan ni Kirkus ang aking mukha at muli niya akong niyakap. "Patawad, hindi ako galit sa iyo. Kahit hindi ko mahal si Azura ay hindi ibig sabihin na wala akong paki-alam sa aking anak kaya masama ang aking loob."


Kumalas ako sa yakap ni Kirkus at tumingin sa kanya.


"Ki-Kirkus, k-kasi.." Panimula ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.


Wala akong ibang maisip gawin kung hindi ang ipakita nalang sa kanila ang bulaklak sa kamay ko.


"Nagawa pang ipasa ni Azura ang sanggol mo kay Paris bago ito tuluyang pumanaw. Si Paris ang magdadala ng iyong magiging anak Kirkus." sabi ni Ravi na alam kong kinagulat nilang lahat.


Biglang naglaho ang katawan ni Azura at tanging abo nalang ang natitira.


"Ara, paki-usap, ipunin mo ang kanyang abo upang ating mabigyan na desenting libing." Sabi ni Kirkus kay Ara.


Tumango lang si Ara at winasiwas ang kanang kamay at nagsiliparan ang mga abo na parang ipo ipo papunta sa kanyang kamay --

Tumango lang si Ara at winasiwas ang kanang kamay at nagsiliparan ang mga abo na parang ipo ipo papunta sa kanyang kamay --

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon