"Napakaganda dito Francess!" Masayang sabi ko at umikot-ikot para makita ang kabuuan ng lugar.
"Opo master. Sobrang ganda. Hindi ko akalain na ganito kaganda ang Enca Majica" sagot ni Francess sa akin.
"Ngayon ka lang ba naka punta dito?" Tanong ko sa kanya.
"Yes master. Kagaya mo ay ngayon lamang ako nakapunta dito sa Enca Majica"
"Papaano mo nagawang pumunta dito kung gayon? Medyo may jetlag pa ako sa ginawang flight natin ha" natatawang sabi ko kay Francess.
Medyo natawa din si Francess sabay sabing "Isa 'yun sa kapangyarihan ko master. Hindi lahat ng enca ay kayang maglabas pasok sa Enca Majica. Kaya tinawag akong mushroom fairy ay dahil nakakapunta ako at ang aking maji sa kung saang lugar namin gustuhin dahil kagaya ng mushroom ay sumusulpot lang ito sa kung saan" pag explain naman ni Francess sa akin. Tumango lamang ako sa sinabi niya at nagsimula na kaming maglakad. Mali! Ako lang pala dahil lumilipad lang si Francess.
Straight lang ang lakad ko at medyo nahihirapan ako dahil lumulubog ang boots ko sa snow.
"Okay ka lang ba master?" Tanong ni Francess sa'kin habang pinagmamasdan ako. Napansin niya sigurong medyo nahihirapan akong maglakad.
"Okay lang ako. Medyo nahihirapan lang akong maglakad kasi lumulubog ang boots ko sa snow eh" sagot ko kay Francess at tumango lamang siya.
Medyo malayo layo na din ang nalakad ko at nararamdaman ko ding unti unti nang natutunaw ang mga snow dahil sa sikat ng araw.
"Malapit na tayong makababa sa bundok na ito master, kunting tiis nalang" sabi ni Francess sa akin.
Mga ilang minutong lakad ay nakababa na nga kami ng bundok at natatanaw ko na ang mga malalaking puno. Kung hindi ako nagkakamali nasa gubat kami.
"Francess, alam mo ba kung saan natin matatagpuan ang ilog ng Yufrates?" Tanong ko sa kanya at naisipang ma upo muna sa malaking bato para makapagpahinga. Medyo nangangatog na din ang tuhod ko dahil sa layo nang nilakad ko.
"Nasa kanlurang bahagi pa 'yun master. Tapos feeling ko ang lugar na ito ay South kaya medyo malayo-layo pa ang e ta-travel natin. Maliban nalang kung may taga dito na tutulong sa atin, mas mapapabilis ang paglalakbay natin. Tsaka hindi ko talaga alam kung saan ang exact location noon" Sagot niya at umupo sa aking balikat.
"Di ba may kapangyarihan ka namang mag teleport? Eh kung gamitin nalang kaya natin 'yun para madali tayong makapunta doon."
"Hindi ko kabisado ang lugar na ito master kaya pagpasensyahan niyo na hindi ko magagawa 'yun" sabi ni Francess.
"Ganun ba? Sige ayos lang. Hahanapin nalang natin iyun para nama —"
"TAKBO!"
Hindi na ako natapos sa sasabihin ko nang may nadinig kami ni Francess na sumigaw sa di kalayuan. Biglang lumipad si Francess at nag observe sa paligid.
"Parang doon nanggagaling ang sigaw na 'yun master" sabi ni Francess at tinuro ang may bandang right side ko. Tumango lamang ako at tumakbo para puntahan ang taong sumisigaw kanina. Si Francess naman ay nakasunod lang na lumilipad sa likuran ko.
"Bitiwan mo ang kapatid ko!!" Dinig naming sigaw nang lalaki.
Nagtago kami ni Francess sa malaking puno para hindi nila kami makita.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...