MAJiCA 38 -

4.6K 312 8
                                    

Author's Note: Sorry for the long idle, medyo busy kaka-overtime sa work nung last February. Here's the 3 chapters update for you.


| PARiS |


Hindi kami nag aksaya ni Ravi ng panahon sa mga oras na ito. Agad kaming naglaho ni Ravi papunta sa kuta ng mga navalak. Ni hindi na nga namin nagawang magpa-alam kay Lakit dahil sa kagustuhang ma save agad si Nahamani.


Mahal na mahal ko na ang batang iyun. Tinuring ko na iyong tunay na nakababatang kapatid kaya lahat gagawin ko para kay Nahamani.


Agad kaming napunta sa parang entrance mismo ng palasyo ng mga navalak. Nakakatakot ang lugar nila. Para siyang nakalutang sa mainit na bibig ng bulkan at makitid ang daanan papunta sa pinaka entrance.


Pagpasok namin sa palasyo ay agad na sumalubong sa amin ang sa tingin ko'y sampong mga kawal ng navalak.


Inalalayan ako ni Ravi papunta sa likuran niya. Tinaas niya ang dalawang kamay niya na para bang nakapako sa krus. Unti-unting lumalabas sa mga kamay niya ang parang electric lightning na kulay violet.


"AHHHHH!!" Sigaw ni Ravi at ang nag form na latigo ang electric lightning sa dalawa niyang kamay at pinaghahampas-hampas ito sa mga navalak.


Tumingin naman si Ravi sa likuran upang matingnan ako.


"Manatili ka lamang sa likod ko para alam kong ligtas ka." Sabi ni Ravi sa akin. Ang mga mata niya ay nagliliwanag din ng kulay violet.


Nawala ang electric lightning na latigo ni Ravi ng namatay na ang mga kawal na navalak sa harapan namin.


Tumalikod uli si Ravi upang makaharap ako; Agad niya namang tinaas bahagya ang kanang kamay niya at lumabas dito ang dose-dosenang mga paruparo na kulay violet.


Napapa-wow at na-a-amaze padin ako hanggang ngayon sa enca ni Ravi; Nahahalata kong nakikipag-usap siya dito sa pamamagitan ng kanyang isip.


Unti-unti naglalaho ang mga paruparo. May ngilan ngilan ding pumapatong sa balikat ko.


"Ravi, anong ibig sabihin nito?" Tanong ko sa kanya.


Sa pagkaka-alam ko ay nangunguryente ang mga ito. Baka matusta ako nito ng wala sa oras.


"Huwag kang mag-alala Paris, hindi ka nila sasaktan. Binabantayan ka lang nila." Sagot ni Ravi sa akin.


Medyo nagkaka-crush na talaga ako ng sobra sobra dito kay Ravi. Hello? Bakla lang po ako, alam mo naman kung may mga lalaking mag-care sa mga bakla lalo na't gwapo eh mai-inlove agad. 'Tsaka besh, prinsipe pa tong kaharap ko! Dream come true na 'yun ng mga grupo nang kasing-kabaklaan.


Nasa ganoong posisyon kami ni Ravi ng biglang lumitaw sa harap namin ang isang paruparo na violet na kanyang enca.


"Talaga? Nakita mo na si Nahamani? Magaling aking kaibigan, tunay ngang kayo ay aking maasahan." Sabi ni Ravi habang ngumingiti sa kanyang paruparo.

ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon