MAJiCA 21 -

6.1K 352 29
                                    

| PARiS |


Nakahiga lang ako sa kama ko at iniisip kung kumusta na sila ni Kirkus.


Noong makarating ako dito sa University ay tinigil na nila ang labanan sa arena. Pinapapasok ang lahat ng mga maji sa kani kanilang mga dorm. Siguro ay dahil ito sa paglusob ng mga navalak doon sa palasyo Atlas ba 'yun? Hindi ko maalis sa isipan ko ang mukha ni Kirkus.


Sana lang talaga ay okay ka lang Kirkus.


Sinusubukan kong matulog nalang muna para mawala ang mga worries na nararamdaman ko pero hindi ko talaga magawa.


"Urrggg!!" naiinis na sigaw ko at lumabas sa dorm.


Bumaba ako sa building at nakita si Eros sa ibaba. Lumapit ako kay Eros at hinaplos haplos ang kanyang mukha.


"Eros, puntahan naman natin sila Kirkus saglit. Nag-aalala ako sa kanila. Gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman kung okay lang ba siya" sabi ko sa kanya ngunit wala akong nakuhang sagot. Syempre, hindi ko naman siya enca kaya hindi ito sasagot. Maliban nalang kung piliin nitong makipag-usap sa akin.


Sumakay ako kay Eros ngunit nararamdaman kong ayaw niya akong pasakayin. "Please Eros, gusto ko lang makita kung ayos ba ang kalagayan ni Kirkus." sabi ko at nagtangka na namang sumakay sa kanya ngunit talagang tinutulak niya ako gamit ang kanyang pakpak.


"Hays." nasabi ko nalang at bumalik na sa aking dorm.


Pagpasok ko sa kwarto ko ay dumiretso agad ako sa whole body mirror at tingnan ang sarili.


"Ano bang purpose kung bakit ako nandito? Gusto kong tumulong pero wala akong magawa, pabigat pa ako sa mga taong nasa paligid ko." nasabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ang reflection sa salamin. Naalala ko ang labanan kahapon sa arena. Kung papaano ako pinrotektahan nila ni Gano at Zulon dahil wala akong kapangyarihan.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala na isa akong maji dahil wala naman akong nakikita ni katiting na kapangyarihan na galing sa akin. Ang liwanag na nagpapabulag? Hindi naman sa akin 'yun. Niloloko ko lang ang sarili ko. Dahil alam kong kay Francess galing 'yun.


About naman kay Francess, hindi ko din alam kung bakit may Francess ako. Baka nagkamali lang ang tadhana. Baka hindi para sa akin si Francess.


I felt useless sa lugar na ito. Ni wala akong magawa sa oras na magkagipitan na. Hindi gaya ng dati na sa Anonymous University pa ako nag-aaral. Lumalaban ako sa mga nambu-bully sa akin. Pero dito? Kung may mam-bully for sure wala akong laban. Aasa lang ako sa mga kaibigan kong sina Gano at Zulon at especially kay Kirkus.


Pero naisip ko na hindi naman sa lahat ng pagkakataon ganon. For sure darating ang araw na kailangan ko ang sarili kong lakas, na darating ang araw ay wala ang mga kaibigan ko upang tumulong sa akin. Paaano nalang kung darating ang araw na iyun? Ano ang gagawin ko? Papaano ko poprotektahan ang sarili ko? Hindi ko din naman pu-pwedeng iasa lahat kay Francess.

ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon