| PARiS |
Nasa baba na ako ng arena ngayon na pinapalibutan ng mga manunuod. Para akong nasusuka na natatae na parang ewan sa nararamdaman ko. 'Yung feeling na parang hinahalukay ang lamang loob mo sa tiyan. Tanging si Zulon at Gano lamang ang kilala ko na kagrupo ko. Ang iba ay hindi ko pa kilala at ngayon ko lang din nakita.
Pinasuot na sa amin isa isa ang black na bracelet indicating our energy. Ang pag explain sa akin ni Zulon, ang black bracelet ay may kakayahang malaman ang energy namin kung kaya paba naming lumaban o hindi. Kapag hindi na kaya ng katawan namin ay magiging white ito at biglang kang maglalaho at mapupunta sa section ng mga gama para gamutin. Pagkatapos nang laban ay binabalik din naman agad dahil susuotin ito ng susunod na maglalaban. Kusa din naman itong nagiging black uli kapag tinanggal na.
Naka-straight horizontal line kami at nasa gitna ko si Zulon at Gano dahil hinila ko talaga silang dalawa para makagitna ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko ngayon. Ang hirap e-describe and how I wish na nadadama niyo ang grabeng takot ko ngayon.
Nasa harapan namin ang magiging kalaban at gaya namin, naka horizontal line din sila. Hindi ko sila kilala, ngunit isa lang ang kilala ko sa kanila at alam ko kung gaano siya kalakas, dahil minsan ko na siyang nakitang makipaglaban noon sa ilog ng Yufrates. Nakita ko na din kung anong kaya niyang gawin nung may mga navalak na gustong kumuha sa akin. Tingin ko kilala niyo na kung sino ang tinutukoy ko.
"Zulon, natatakot ako. Alam mong wala akong kakayahan." nagmamaka-awang sabi ko kay Zulon.
"Alam ko Paris, I got you. wag kang matakot." sagot niya habang nakangiti at tumingin kay Gano. "Mahal na prinsipe, hindi pa nadidiskobre ni Paris ang kanyang kapangyarihan, kaya sana tulungan mo akong protektahan siya." sabi ni Zulon kay Gano.
Tumango lang si Gano bilang sagot at tumingin sa akin sabay kindat.
Pinalapit ni Gano ang lahat nang ka-grupo namin para makipag-usap. Walang question na siya ang naging leader dahil sa isa siyang prinsipe. Napansin kong ganoon din ang ginawa nila Kirkus, para maka pag usap at mag-meeting.
"Mga kasama, tandaan niyo, hindi importante kung magaling ka sa pakikipaglaban o hasa sa paggamit ng kapangyarihan, ang importante dito ay ang pagtitinginan natin sa isa't isa. Huwag nating hayaang isa sa atin ang masaktan at mapuruhan nila. Kailangan magtulongan tayo at gawin natin ang lahat na wala ni isa sa atin ang matanggal dahil malaking kawalan 'yun sa grupo natin kung may matanggal man sa atin." mahabang litanya ni Gano.
Nagsitanguan naman ang mga ka grupo ko at isa isa kaming nagpakilala at bumalik na kami sa pag form ng horizontal line.
"SIMULAN NA ANG LABAN!" sigaw ni Gurong Valo at doon na ako parang mahihimatay sa kaba. Nangangatog na ang mga tuhod ko at feeling ko anytime ay mahihimatay na ako.
Giniya ako ni Zulon papunta sa likuran niya. Ako naman ay parang baliw sa kakatingin sa paligid dahil baka may biglang sumulpot sa harapan o likod ko at saksakin ako ng espada!
Sumugod ang isa sa ka grupo na lalaki nila ni Kirkus at nakita ko itong ngumuso. Maya maya ay may kumakawala na isang matulis na kutsilyo sa bibig niya. Hindi lang isa kundi sa bawat pagbuga niya ay dumadami pa ito ng dumadami. Sumunod naman na sumugod ang isang ka grupo parin ni Kirkus na babae at winawagayway ang kanang kamay at sa pagwagayway niya ay sumusunod ang kutsilyo sa kanya. Tinaas niya ang kamay niya at may ibang kutsilyo na napunta sa itaas at meron ding naiwan sa ibaba.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...