MAJiCA 7 -

6.8K 412 8
                                    

"Shit! Hinahabol tayo Drago!" kinakabahang sabi ko sa enca ni Enoc.


Tumingin uli ako sa likuran at ang lalaki na na may suot na pang warrior ay nakatayo na sa pegasus at itinataas niya ang kanyang kanang kamay.


Dahan dahang lumalabas ang apoy sa kamay niya at palaki pa ito ng palaki!!


"Pinuno!" Dinig kong sigaw ni Drago.


"Bakit drago? Anong nangyayari?!!!" Pasigaw na tanong ko habang nakayakap padin sa mga leeg nya.


"Nararamdaman kong nasa panganib ang aking pinuno" sagot ni Drago at mabilis na lumipad pababa sa lupa.


"Wait lang Drago!!" Sigaw ko habang napayakap ng mahigpit sa kanyang leeg.


Para akong nakasakay sa roller coaster dahil umiikot ang sikmura ko sa mabilis na pagbaba niya.


Tumingin ako sa may likuran at napatigil ang lalaki sa paglikha ng apoy nang mapansin niyang pababa kami ni Drago.


"Pagpa umanhinan mo Paris ang aking kalapastangan, ngunit tungkulin naming pangalagaan ang sarili naming pinuno" sabi ni Drago nang mag landing siya sa lupa.


Agad naman akong bumaba because I knew kung ano ang ibig niyang sabihin.


"Sige Drago. Mag-iingat ka. Ingatan mo sila Enoc at Nahamani. Kaya ko na ang sarili ko" sagot ko at hinawakan ang may bandang mukha ni Drago.


Tumango lamang si Drago at eni-straight na ang kanyang mahabang ulo at pinagaspas ang malalaki niyang mga pakpak saka lumipad.


Tumingin ako sa itaas at napansin ko na wala na si Fire Boy. Mabuti naman.


Agad na akong tumakbo nang —


*Bogggshh!*


"Kkyyaa!!!" Napatigil ako at napatili ng may biglang sumabog sa harapan ko. Tingin ko isa siyang fireball. Tumingin ako sa fireball at nung pagtama niya sa lupa ay parang isang lava na galing sa bulkan na kumukulo pa.


Napalunok ako ng laway at naisip na paniguradong kapag tatamaan ako nito ay third-degree burn ang aabutin ko at baka ito pa ang ikamatay ko.


Napayukom ako ng palad dahil nararamdaman ko ang sobrang pangangati nito.


"Not now Francess, ayokong masaktan ka" sabi ko sa isip ko para kausapin si Francess dahil pakiramdam ko gusto niyang lumabas just to help me.


Isang araw pa nga lang ang pag e-stay ko dito sa Enca Majica and a lot of things are happening to me already. Baka hindi ako umabot dito ng isang linggo dahil patay na ako.


"Humarap ka!" sabi nang isang napakalalim na boses ng isang lalaki.


Napahawak ako sa dalawang hawakan ng bagpack ko at dahan dahang humarap sa kanya na nakayuko.


"Huwag niyo 'ho akong sasaktan, wala po akong balak na masama. Gusto ko lang makakuha ng tubig sa ilog ng Yufrates" paliwanag ko sa kanya at dahan dahang tinaas ang ulo ko para makita siya.


Literal akong na star struck dahil sa mukha niya. Shit! Ang pogi niya! Nakakapanghina ng hormones.


"Sino ka at para makakuha ng tubig sa ilog ng Yufrates? Alam mo ba na sagrado ang tubig sa ilog na iyun?" tanong niya sa napakalalim na boses. Pati boses niya nakaka-taas ng presyon mga beshie! Kyaa!


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon