| KiRKUS |
Hinanda na namin ang aming sarili sa pagdating ni Ekran. Malapit ng lumubog araw. Ilang minuto ngayon ay darating na ang aming hinihintay.
"Inferno, binubulong ng hangin na mali itong gagawin natin," sabi ni Reyna Hara sa amin.
"Ngunit wala na tayong pagpipilian Hara, maging ako man ay labag sa desisyon na ito, ngunit hindi ko maaaring pabayaan ang mga majing binihag ng mga navalak." Sagot ni ama sa Reyna.
Kung ako lang ang tatanungin ay labag din sa akin na isuko ang palasyo dahil itinayo ito ng Bathalang Malika para sa mga maji at hindi para sa kaaway. Ngunit papaano ang mga majing bihag ng mga navalak? Hindi kakayanin ng aking konsensya na panuorin na isa isa silang kinikitil.
Nakita na namin ang itim na ipo-ipo sa aming harapan at unti-unting niluluwa doon si Ekran, ang prinsipe ng Palacìo dè Navalak. Binigyan niya kami ng mala-demonyong ngiti.
"Ang saya naman, kompleto ang lahat." Natatawang sabi niya at nakatitig sa amin.
"Nakapagdesisyon na kami. Bilang isang Hari na namumuno sa Palacìo dè Majica ay tungkulin kong pangalagaan ang mga majing nasasakupan ko." turan ni Ama.
"Kung ganoon, tara! Sa sentro ng Enca Majica Acadèmia." nakangiting sabi ni Ekran at biglang naglaho.
Nagtinginan kami sa isa't isa at tumango.
Isang kisap lang ng aking mata ay napunta na kami sa sentro ng academya; Nagulat ako sa dami ng maji na nasa aming harapan. Hindi ko sila mabilang. Kung ako ang tatanungin ay parang nasa higit tatlong daan sila. Lahat ng mga ito ay may nakapiring na itim na tela sa kanilang mga mata. Sinusubukan kong hanapin si Paris ngunit sa dami nila ay nahihirapan akong hanapin siya. Nasa gitna sila at naka-upo lamang. Para silang mga isdang nagsisiksikan at hindi gumagalaw.
Kung tutuosin ay kaya namin silang labanan. Hindi sila gaano kadami. Sa tingin ko ay nasa sampo lamang sila kasama na si Ekran.
"Alam ko ang mga titig na iyan Kirkus. Huwag kayong magkakamali na kami ay labanan kung ayaw niyong mangyari sa kanila ito" sabi ni Ekran at hinila patayo ang isang lalaking maji.
Tumingin si Ekran sa isang navalak na kasama niya at sinabing "Zamora" pagtawag niya dito at tumango; Tumango din ang isang navalak na nagngangalang Zamora at itinaas ang kanyang kamay. Biglang itong lumiwanag at --
"AAAHHHHH!!!!!!" sigaw ng majing nasa harapan namin na kinuha ni Ekran.
"Hishte ka Ekran!!!!!" sigaw ko at pinalabas ang apoy sa magkabila kong kamay at susugod na sana kay Ekran ngunit hinawakan ni ama ang aking braso.
"Kirkus! Baka mas madami pang madamay" saway ni ama sa akin.
Nakita ko ang lalaking maji kanina na nakahandusay na sa sahig. Noong tinaas ng Zamora ang kanyang kamay ay ang tela na nakapiring sa mata ng lalaking maji ay naging isang matulis na espada at tumagos ito kaya nahiwa ang kanyang noo at humiwalay sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...