Author's Note: Hello guys! First and foremost, I would like to extend my apology sa inyo dahil sa long idle ko. I was very very busy sa real world kaya hindi ako nagkakatime sa fantasy world. Madaming nag P-PM sa akin kaya sorry talaga. To make it up to you. Here's a three chapters update from you guys. Chapters 35, 36, and 37. Hope you guys will like it. Vote each chapters, please!
| PARiS |
"Paris, saan ka nagtungo? Bakit ngayon ka lamang namin nakita?" Tanong sa akin ni Gano.
"Mahirap makita ang taong ayaw magpakita Gano." Sagot ko sa kanila. Na fe-feel ko ang sobrang lakas ng heartbeat ko. Para akong isasalang sa singing contest at libo libo ang mga manonood. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko talaga.
"Gano, paki alalayan mo muna si Azura." Dinig kong sabi ni Ravi kay Gano.
"Paris." Sabi ni Ravi at agad na lumapit sa akin.
Pinaglaho ko ang sarili ko nang malapit na sya sa pwesto ko at napunta ako sa unahan niya.
Kita kong nabigla sila sa nagawa ko.
"N-Nakakapag laho kana?" Tanong ni Ravi sa akin at tumango lamang ako.
"Ravi, hindi ako nagpunta dito para magpakita sa inyo. Gusto ko lang makita si Kurtis." Sabi ko sa kanila.
"Pero Paris marami kang dapat malaman." Sabi ni Ravi at nagtangka na naman lumapit.
"Ravi utang na loob. Ayo'ko nang marinig ang mga nais mong sabihin sa akin. Gusto ko lang maka-usap si Kurtis. Nasaan siya?" Tanong ko kay Ravi.
"Marahil ay nasa kanyang silid." Sagot niya at nag bow ako sa kanya.
"Maraming salamat prinsipe Ravi." Sabi ko at nakikita kong unti-unti nang umiilaw ang paa ko at any moment from now ay maglalaho na ako.
Nagkatinginan lang kami ni Ravi sa isa't isa. Ni isa sa amin ay walang kumukurap; bigla nalang nag-iba ang paligid at nasa harapan ko na ang batang si Kurtis na naka tingin sa akin.
"Taga lupa?" Patanong na sabi niya.
Hindi pa din nagbabago ang pakikipag-usap niya sa akin.
"Hello Kurtis" bati ko sa kanya at nag smile.
"Nakakapaglaho kana?" Tanong niya sa akin.
"I sure am." Sagot ko kay Kurtis at umupo sa kama niya. "Gusto kang makita ni Nahamani." Dagdag ko at halatang nagulat si Kurtis.
"Si Nahamani? Asan siya? Nais ko din siyang makita." Excited na sabi ni Kurtis.
"Nasa labas ng palasyo sa may gubat." Sagot ko sa kanya.
"Kung ganoon ay tara na taga lupa." Sabi niya at hinila ako patayo.
Nang makatayo na ako ay mahigpit siyang humawak sa kamay ko at nakatingin sa akin.
"Maglaho kana." Sabi ni Kurtis.
"Eh, Kurtis, ano kasi, hindi ako nakakapaglaho ng may kasama. Hindi ko alam gawin iyun." Sagot ko sa sinabi ni Kurtis.
"Tss. Napakahina mo talaga." Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko. "Gagawa na lamang ako ng paraan. Mauna kana doon." Dagdag na sabi ni Kurtis at lumabas sa kanyang silid.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...