MAJiCA 10 -

6.6K 399 14
                                    

Author's Fact:

Enca Majica - read and pronounced as "En-ka Mahika"

Navalak - Before I made this story, iniisip ko kung ano ang magandang grupo na ipapangalan sa mga kalaban. So para di nako mahirapan sa kaka-isip ay ang letter "b" sa kalaban ay ginawa kong letter "v" para maging kalavan na siya namang binaliktad ko para maging navalak



●▬▬▬▬๑۩۩๑▬▬▬▬▬●

Gabi na nang akoy maka-alis ng bahay namin dahil inayos ko pa mga gamit at ang sarili ko sa pag-alis. Mga pasado 10PM, nagmamadali na akong pumunta sa hospital kung saan naka confine sila Mommy at Daddy. Dala dala ko din ang sling bag ko kung saan nasa loob ang bottle na may lamang tubig; tubig na galing sa ilog ng Yufrates.


"Grabe, buwis buhay din kaya ang pag-kuha ko dito sa tubig na'to" nasabi ko sa isip ko habang na re-recall ang mga nangyari sa akin sa Enca Majica.


Paano nga ba nagsimula lahat ng ito? I mean, noon I was just a simple gay guy na nag-aaral sa Anonymous University. When my 20th birthday came doon na nagbago lahat, especially nung lumabas si Francess sa right palm ko. Like hello? sa panahon natin ngayon may nag e-exist na ganito? Maski din naman ako nung una hindi makapaniwala pero nasa harapan ko na kasi, nasa harapan ko na lahat ng ebidensya. I wonder kung bakit sinabi nang Haring Inferno na walang dapat makakita kay Francess? Feeling ko kasi na hindi dahil sa mahina si Francess kaya ayaw niya itong masaktan. Si Francess pa na small but terrible kaya ito. For sure may mas malalim pa na dahilan 'yun. But anyway, ayaw ko na isipin ang mga bagay na 'yun, dahil walang rason na babalik pa ako dun. Iisipin ko nalang na ang lugar ng Enca Majica ay isang panaginip ko lamang. Isang panaginip na dapat nang kalimutan.


"A-anong nangyayari Manong?" tanong ko sa taxi driver na sinasakyan ko papuntang hospital kasi ang sasakyan niya ay pa ugong-ugong ang takbo.


"Eh boss, mukhang nasira ata ang makina ko. Pag minamalas ka nga naman oh" sabi ni Manong.


"Hala Manong papano po 'yan? Nagmamadali pa naman ako" sabi ko kay Manong.


"Sakay nalang po kayo sa ibang taxi boss, h'wag nalang po kayong magbayad." sabi ni Manong sabay kamot ng kanyang ulo.


"Sige po Manong, salamat nalang po" sabi ko sabay baba ng sasakyan niya. Hindi na din talaga ako nagbayad dahil hindi pa naman kami nakakalayo sa bahay namin. Pagsakay ko 40 agad tumatak tapos before ako bumaba ng taxi niya eh nasa 50 plus palang.


Naglakad nalang ako sa may eskinita para mag-abang uli ng masasakyang taxi. Limit pa naman ang dumadaan na taxi dito dahil mostly kasi sa mga tao dito ay may sasakyan kasi nga subdivision ito. Wala naman si Manong Berting kaya walang mag da-drive sakin papuntang hospital.


Umupo na muna ako sa waiting shed at naghintay na may dumaan na taxi. Hindi naman nagtagal ay may dumaan pero sa kamalas-malasan ay may pasahero na nasa loob.


"Kung kailan ako nagmamadali eh" nasabi ko sa sarili ko.


ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon