*hikab*
"Hays! Ang sarap ng tulog ko!" sabi ko sa sarili ko sabay inat nang mga kamay at paa.
Bumangon ako sa kama habang kinakamot ko ang ulo ko. Sinuot ko ang indoor slipper ko na pink ang kulay at lumabas ng room para kumuha ng pineapple juice. Nakasanayan ko na kasi na uminom ng pure pineapple juice every morning.
Paglabas ko sa kwarto ay nagtaka ako dahil umiba ang daanan sa labas. Isa siyang hallway na ang daming mga kwarto. Para tuloy akong nag bo-boarding house.
Wait!!
Inalala ko ang mga nangyari kahapon, simula nung dumating ako dito sa Enca Majica Acadèmia, nung naglalakad ako sa may field ng school tapos nakabunggo ko si Kirkus. Nang nakilala ko si Gano at dahil sa kanya ay nakita ko ang room ko dito sa school na ito.
Napatingin ako sa likuran ko kung saan nandoon ang kwarto ko at dali daling pumasok pabalik.
"Oh my gosh! Nasa Enca Majica pala ako!" nasabi ko sa sarili ko at napasandal sa pintuan ng kwarto ko. "Akala ko kasi nasa bahay pa din ako dahil sa ayos ng kwarto dito. Kamukhang kamukha talaga kasi siya ng kwarto ko sa mundo namin" dagdag ko at inilibot ko ang sarili ko sa kabuuan ng kwarto at napatingin sa wall clock ko.
8:18 a.m.
"Aba ayos ah gumagana pala orasan ko dito" nasabi ko sa sarili ko at napatingin uli ako sa orasan. 8:18 a.m! Oh my gosh! First class ko is 8:00 a.m. Late na ako!!
Dali dali akong pumasok sa CR at binuka ko ang aking kanang palad para palabasin si Francess.
"Francess! Late na ako!" sabi ko kay Francess at kinuha ang suklay na nakasabit sa may salamin at binigay kay Francess. "Pakisuklay ng buhok ko please!" utos ko kay Francess at dali dali naman akong nag toothbrush.
"Huwag ka malikot master!" reklamo ni Francess habang nagsusuklay ng buhok ko kasi nga galaw ako ng galaw dahil nag to-toothbrush ako.
Tumayo ako ng tuwid at parang estatwa na nag toothbrush habang nakatingin sa sarili sa salamin.
Natatawa ako sa itsura ni Francess dahil halatang nahihirapan sa pagbuhat ng suklay.
Pagkatapos kong mag toothbrush at maghilamos ay dali dali naman akong nagbihis ng school unifom.
Casual lang naman ang uniform nila dito. Hindi siya weird tingnan.
Isang pants na black at longsleeve na white at necktie na red.
Hindi ko bet ang black pants na binigay nila sa'kin. Although sakto lang siya sa may beywang pero sobrang laki nang sa ibaba. Para akong naka suot ng balloon pants. So kinuha ko ang skinny jeans na color black sa drawer ko at 'yun ang sinuot ko. Sinuot ko din ang cloak ni binigay sa'kin ni bff Pia. Kahapon kasi may mga nakita akong mga naka cloak at may iba din naman na wala. So for sure pwedeng mag suot ng cloak.
Dinala ko na ang isang napaka-kapal na notebook at isang napaka-kapal na libro. Kaloka naman kasi dito, hindi uso ang bag kaya bitbit ko 'tong dalawa ngayon. Plano ko nga sana buksan ang libro kaya lang napagod na ako kahapon at hindi na kinaya ng powers kong magbasa pa. Buti na nga lang tinulungan ako ni Gano sa pagkuha ng mga requirements. After niya kasi akong maihatid ay tinanong ko siya kung saan ako makaka kuha ng mga requirements na nilista nila sa papel at simahan niya ako.
Naglalakad na ako ng patakbo sa may hallway habang bitbit ang notebook at libro sa right hand ko. Ang left hand ko naman ay busy sa paghawak ng mapa. Expected din naman sa mapa na magiging magical. Dahil nakikita ko sa mapa ang kabuuan ng Enca Majica Acadèmia. Para siyang view mula sa itaas. May dalawang circle na nasa mapa, blue at red. Ang red ay ang lugar na kailangan kong puntahan dahil doon ang magiging classroom ko. Ang blue naman ay nag i-indicate na ako dahil habang naglalakad ako ay gumagalaw din naman ang blue circle papunta sa red circle.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA
FantasyParis Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to...