MAJICA 49 -

4.5K 261 56
                                    

Author's Note: Hello guys. I am very sorry dahil sa sobrang tagal ng update ko. Alam kong ang dami na ninyong nagagalit at nadidismaya sa akin. Lumipat kasi ako ng bagong unit and it took me 2 weeks to settle down everything. Not totally settle down dahil hindi pa talaga ako tapos. Nevertheless, please vote this chapter loves.


●▬▬▬▬▬๑۩۩๑▬▬▬▬▬●


Bago pa man mangyari ang digmaan sa pagitan ng mga maji at navalak ay pinaghandaan na ni Kirkus ang posibleng mangyayari. Alam ni Kirkus kung gaano katuso ang mga navalak at hindi ito lumalaban ng patas. Binilin niya sina Halena at Zulon sa palasyo upang magbantay kay Paris at sa kanilang magiging anak. Ngunit ang akala ni Kirkus na simpleng mga kawal ng navalak lamang ang lulusob sa palasyo kaya naging kampanti lamang ito. Hindi niya aakalain na isa sa pinakamalakas pala ang susugod sa palasyo na walang iba kung hindi ang hari ng mga navalak na si Naval kasama ang isa sa mga malakas na dati niyang kaibigan na si Ravi.


| PARiS |


Naka-upo ako sa aming silid ni Kirkus at hindi maiwasang mabahala sa nangyayaring digmaan. Kumusta na kaya ang aking mahal? Sana ay nasa mabuti siyang kalagayan. Positive naman ako na okay siya dahil kasama niya si Francess at alam kung hindi siya pababayaan ng aking enca.


Bigla akong napatayo nang makakita ako ng violet na ipo-ipo sa harapan ko at niluwa doon si Ravi.


"R-Ravi.." Nasabi ko habang paatras ako ng paatras.


Bigla akong may nadinig na malakas na pagsabog sa labas ng palasyo at naisip na baka sumugod dito ang mga navalak kasama si Ravi.


Lumapit si Ravi sa akin pero bago pa man niya ako malapitan ay pinaglaho ko ang aking sarili papunta sa silid ni Kurtis.


"Taga-lupa." Bati ni Kurtis at tumakbo papunta sa akin at ako'y niyakap.


"Natatakot ako taga lupa."


"Huwag kang matakot Kurtis. Nandito lamang ako. Dito ka lang sa tabi ko para mahiram ko ang kapangyarihan mo." Sagot ko kay Kurtis at tumango lamang siya bilang sagot.


Pababa na kami ng hagdanan ni Kurtis at nadinig muli ang malakas na pagsabog sa labas.


"Si Nahamani." Bigla kong nasabi at tumingin kay Kurtis. "Puntahan ko lang si Nahamani sa kanyang silid."


"Sasama ako taga-lupa." Sabi niya at naunang maglaho.


Pinaglaho ko ang aking sarili papunta sa silid ni Nahamani at nagulat ako nang makita ang pasugod na kawal ng navalak sa kanya na may dala dalang espada.


"Nahamani!!" Sabay naming sigaw ni Kurtis.


Adrenaline rush ika nga at nagamit ko ang mabilis na pagtakbo ko at kinuha si Nahamani. Nakalimutan kong mang kapangyarihan pala akong ganito. Nakita ko naman si Kurtis na hinawakan ang kamay ng kawal at nasunog ang balat nito.

ENCA MAJiCATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon